Tayo na! (one shot)

23.9K 269 19
                                    

“Tayo na!” (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

"YANPOT!" napatalon naman ako mula sa pagkakaupo ko ng isigaw nya ang pangalan ko.

"Oh? Problema mo, TROYPOT?" Yeah, ganyan talaga ang tawagan namin. May POT sa huli. Ang cute no? Sya nag-isip nyan eh.

"Tayo na!" HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?

"Ano'ng pinagsasabi mo TROYPOT? Hindi tayo talo." sabi ko sa kanya na may halong pandidiri. Hahaha. Hindi naman talaga ako nandidiri. Inaasar ko lang sya.

"Ikaw nga yung kung anu-ano ang pinagsasabi dyan eh! Sabi ko halika na." Ngayon naman halikan?! Biwset talaga to.

"Ngayon naman halikan! Umayos ka TROYPOT! Kung gusto mo pang masinagan ng araw!" pagbabanta ko sa kanya sabay pakita ng braso ko na pagkaliit liit naman. Nakita ko naman na natatawa tawa sya sa mga pinaggagagawa ko.

"Umayos ka nga! Kala mo naman gusto kitang halikan YANPOT. Sabi ko, tumayo ka na dyan at baka malate pa tayo sa klase!" pagkasabi naman nya yan eh tumayo na kaagad ako. Yun lang pala ang gustong sabihin ang dami pang pasikot sikot.

Nakita namin na papasok na si Ma'am sa classroom kaya naman hinarangan namin sya tsaka kami tumakbo papasok ng room. Late kasi kami pag nauna yung teacher sa room. Buti na lang at pinanganak kaming matalino kaya nakakaisip kami ng mga matatalinong moves. Nakita naman naming pailing-iling sya. Sorry na lang sya dahil naunahan namin sya.

Secret lang natin tong sasabihin ko ha. Pero boring kasi yan magturo. Kung ikukumpara mo sa ibang teachers sya ang pinakaolats. Hindi naman sa sinisiraan ko sya pero yun yung totoo. Paniwalaan nyo ko. Boring na nga magturo, wala ka pang matututunan. Tsk.

Imbis na makinig kami ni TROYPOT, nagdoodoodle na lang kami. Expert ata kami dyan! Ng dahil kay Ms. P, naging magaling kami! Kaya dapat natin syang pasalamatan. Bow.

"Psst, matagal pa ba bago matapos?" napuno na kasi yung likod ng notebook namin ng mga drawings pero hindi pa rin tapos.

"30 minutes pa." anu ba yan! Ang tagal pa. Bat ba kasi 1 hour ang subject nya? Pinalo ko yung desk ko. Hindi ko naman inaasahan na mapapalakas kaya naman nakaagaw ng atensyon. Nakita ko naman na tatawa tawa si TROYPOT kaya naman siniko ko sya.

"Anong problema mo Aryan?" inis na tanong ni Ms. P.

"Wala naman po ma'am! May lamok po kasi. Di ko naman inaasahan na mapapalakas ang palo ko." sabay ngiti ko.

Mukha namang hindi sya naniniwala.

"Totoo ba yon Troy?" Jusko ha. Sa lahat ng pwede nyang pagtanungan si Troy pa. Hahahaha! Hindi ba nya alam na bespren ko si Troy?

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon