Huwag kang maiinlove ha? (KathNiel) (one shot)

24.2K 227 10
                                    

"Huwag kang maiinlove ha?" (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

*******************************************************************************************************

"Kath, huwag kang maiinlove ha?"

...'Yan ang sinabi niya sa akin na hindi ko maintindihan. At sa tingin ko, kailanma'y hindi ko maiintindihan. Kanino naman ako huwag maiinlove? Sa kaniya ba?

********************************************************************************************************

"Tara Kath, punta na tayo ng canteen."

*DugDug.DugDug*

Biglang tumibok ng pagkabilis bilis ang puso ko. Siguro nagulat ng ako paano ba naman kasi, hindi pa nga ako nakakasagot, hinila na niya kaagad ako palabas. Kahit kailan talaga 'to.

"Hindi ka naman masyadong excited?" pangloloko ko sa kaniya. Nakita ko naman na napangiti siya. "Bat ka nangingiti?" ang weird talaga nito.

"Wala lang. Masama na bang ngumiti ngayon?"

"May sinabi ba ko?" Nakita ko naman na napailing siya. Ha! Alam niyang hindi ako nagpapatalo.

Hindi na lang niya ako sinagot. Instead, dinilaan na lang niya ako. Napaka-isip bata talaga!

"Hi Kath!" Bati sa akin ni Diego. Nakita ko naman na tinignan siya ng masama ni DJ. Hindi napansin 'yon ni Diego dahil nakatingin siya sa akin.

Sabi nila may gusto daw sa akin 'to. Hindi ko naniniwala dahil feeling ko kay Julia 'to may gusto. Siguro nalito lang sila since palagi kaming magkasama ni Julia.

"Hello!" pagkasabing pagkasabi ko nun, bigla na lang akong hinila ni DJ papuntang canteen.

"Bat ba hila ka ng hila?" irita kong tanong. Kanina pa kasi 'to eh.

Napatingin naman siya sa akin. Nagseryoso 'yong mukha niya kaya naman bigla akong kinabahan. Minsan lang kasi magseryoso 'yang si DJ. Madalas kasi, maloko 'yan.

"Kath, promise me one thing." Hindi ko alam kung ano 'yon, basta ang alam ko, napatango ako. "Huwag kang maiinlove ha?" HA?

"Kanino naman?" Kasi naman out of the blue biglang magsasabi ng ganun. Ang weird lang.

"Basta, magpromise ka." Ewan ko kung ano'ng meron sa boses niya at natango na lang ako. "Say it, Kath." He looked at me, pleadingly.

"I promise." Pagkasabing pagkasabi ko niyan, tuluyan na kaming pumunta ng canteen. Tahimik pa rin kaming dalawa. Hindi nagkikibuan. Awkward nga eh.

Hanggang sa makauwi ako ng bahay, iniisip ko pa rin 'yong sinabi niya sa akin. Kanino ako huwag maiinlove? Sa kaniya ba? Ewan ko pero nung naisip ko 'yan, biglang may kumirot sa puso ko. Ang weird naman! Siguro sa kakaisip ko.

Ganun lang rin ang nangyare kinabukasan. Hindi ako masyadong iniimik ni DJ. Nakakainis lang! Hindi ba niya alam na namimiss ko na 'yong pangungulit niya?

"Huy! Himala ata at hindi kayo nagkikibuan ni DJ?" Nagshrug na lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung bakit. Basta, bigla na lang niya akong hindi kinikibo.

"Julia! Bat ba hindi ako kinakausap ni DJ ngayon?" Naiiyak na talaga ako niyan. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko ang tagal tagal na naming hindi nag-uusap. Siyempre naman no! Palagi kaya kaming magkasama niyan!

"Aba'y ano'ng malay ko sa inyo. Ikaw nga ang tinatanong ko eh." Kung hindi lang ako seryoso ngayon, nabatukan ko na 'to! Hindi man lang magsabi ng kung anu-anong pwedeng dahilan kung bakit.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon