Seen-Zoned (One Shot)

43.4K 660 162
                                    

“SEEN-ZONED”

© kimkimmy16, wattpad2013.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Ang hirap naman nang ganito. Hanggang tingin na lang.

Hay Jerome, ba’t ba kasi ang pogi mo? Ayan tuloy… nababaliw na ako sa’yo.

Matagal tagal ko na ring Gawain ito—ang i-stalk siya sa facebook. Eto lang naman ang way para mapagpantasyahan ko ang napakagwapo niyang mukha.Kung iisipin niyo, typical love story lang ito. Pero nagkakamali kayo! It’s far from what you think.

Tinignan ko ang list ng chat box ko. OL siya pero hindi ko naman machat. Pag naman napagdesisyunan ko nang i-chat siya, naga-out naman siya. Odiba, ang saklap ng buhay?

Ano bang gagawin ko? Icha-chat ko ba siya o hindi? Maga-out na ba ako o i-chachat ko muna siya? Ang hirap magdecide.

Ayoko naman siyang i-chat kasi baka ang isipin niya may gusto ako sa kaniya. Kahit pa totoo ‘yun, nabubuhay pa rin ang dugong Maria Clara ko.

Hindi lang ‘yon ang dahilan… baka kasi ‘pag chinat ko siya, di niya ako pansinin. Takot akong mareject. TTOTT

Pero, may patutunguhan ba itong pagchichicken-out ko? Ay ewan…

Maka-out na nga lang. Saka ko na lang siya ichachat pag meron na akong lakas ng loob.

‘Ba’t ang tagal mong magreply?’ text sa akin ni May.

 

Nagreply naman ako agad, ‘Nag fb ako,  e.’

 

‘I should’ve known. Nabuhay nanaman ang dugo mong stalker.’ - May

 

‘Secret admirer naman!’ – ako

‘Hay ewan ko sayo, Heidi. Hanggang tingin ka lang naman, e.’ – May.

‘So kailangan direct to the point?’ – ako.

‘Para lang magising ka sa katotohanan… I-chat mo na kasi siya nang magkaalaman na. Hindi pwedeng habang buhay ka na lang makokontento sa patingin tingin lang.’ – May.

Alam ko naman na hanggang tingin lang ako pero kailangan ba niyang ipagduldulan? Tss.

Tama si May. Dapat tigilan ko na ang pagiging duwag ko. Di dapat ako makontento sa pasulyap sulyap lang.

Nag log-in ako sa facebook at hinanap ko ang name niya sa chat box. Clinick ko ang name niya at saka nagtype.

Kaso, paano ko ba dapat simulan ‘to?

‘Hi Jerome!’ ay… masyado namang feeling close.

‘Musta na?’ kabarkada lang ang peg?

‘Yow!’ para namang rapper. -_______-

Argg. Ano ba talaga ang dapat kong itype? Mas mahirap pa ‘to kesa sa math exam ko, e. -____-

It took me five minutes to decide…

This is it!

‘Hello.’ Enter!

Mukha namang casual lang diba? Sa tagal kong nag-isip, sa simpleng hello lang pala ang bagsak ko. Tss.

2 minutes…

Ba’t ang tagal niyang magreply? Ahhh, baka naman nag cr.

5 minutes…

Ugh. Wala pa rin. Baka maraming kachat?

10 minutes…

Baka wala siya sa bahay tapos nakalimutan niyang maglog-out?

20 minutes…

That’s it! Maga-out na ko. Bukas ko na lang titignan ang reply niya.

Maaga talaga akong gumising ngayon para tignan ang reply niya. Sht. Why do I have a bad feeling?

Tinype ko ang emal add at password ko. Kaso sa bawat type ko palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. >o< Ano ba ‘to…

Tinignan ko ang message box ko.

‘Hello’

Seen  19 hours ago.

 

Ouch. Na seen-zoned ako!

The END

* * * * * * *

VOTE/COMMENT! <3

SAKA NA UNG COVER O KAYA PAGAWA NA LANG AKO? PRETTY PLEASE? XD

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon