Sa Isang Sulyap Mo (one shot)

25K 331 34
                                    

"Sa isang sulyap mo." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

*******************************************************************************************************

Sa Isang Sulyap Mo

...napaibig ako


*******************************************************************************************************

Sulyap.

Sumulyap nanaman siya sa akin. Pero inalis niya kaagad ng mapansin niyang napatingin ako sa direksyon niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang napapansin ko, napapadalas. Hindi naman sa nag-aassume ako ha. Kasama niya ang mga kaibigan niya ngayon. Parang ang saya saya nga ng usapan nila eh.

Sulyap.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya na hindi ko alam na tinititigan ko na pala siya. Pakiramdam ko naman, namula ang buong mukha ko. Ganiyan talaga ako 'pag napapahiya.

"Huy? Ano'ng nangyare sa 'yo? Ba't namumula ka?" Lalo naman akong namula nun.

"Ah.. Eh.. Wala naman." 'Yan na lang ang tangi kong nasabi. Hindi pa kasi ako handang sabihin sa kaniya, kung meron mang 'dapat'. Nahalata niya sigurong ayaw kong sabihin sa kaniya kaya naman hindi na niya ako pinilit pa.

"Oh tara na. Baka magbell na."

Sulyap.

Bago kami umalis, tinignan ko siyang muli. Nakatingin nanaman siya sa akin. Bigla naman siyang tumingin sa ibang direksyon. Napatingin lang siguro siya? Kung ano man 'yon, hindi ko na inisip pa.

Palabas na ako ng room ngayon. Hindi ko na hinintay pa si Dana dahil maglilinis pa siya ng room. Nakita ko nanaman siya. Kasama nanaman niya ang mga kaibigan niya.

Sulyap.

Crap. Nahuli nanaman niya ako. Tumakbo na ako papalabas ng school. Pangalawang beses na niya akong nahuhuli. Baka isipin nun, may gusto ako sa kaniya.

Nakarating naman ako ng maayos sa bahay namin. Pero nagtataka ako kung bakit dahil wala ako sa wisyo habang naglalakad ako. Buti na nga lang at hindi ako nasagasaan o naaksidente. Ginawa ko na kaagad 'yong mga assignments ko. Napatingin ako sa labas ng bintana.

Sulyap.

Nagkatitigan kami. Nagkataon lang ba o pinuntahan niya talaga ako? Sige, mangarap ka Hannah. Pauwi lang siguro siya sa bahay nila at nagkataon na napatingin siya sa may bintana ko? Oo, baka ganun nga. Saan kaya siya nakatira? Shiz! Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko.

"Hannah? Matulog ka na." Tinignan ko si mommy at ngumiti.

Tumingin uli ako sa labas ng bintana ko kaso sa pagkadismaya ko, wala na siya. Umalis na siya. Pinatay ko na 'yong ilaw at natulog na ako.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil gusto ko lang. Ako pa lang ata ang tao sa school dahil mga patay pa ang ilaw. Naglakad lang ako hanggang sa makaabot sa classroom ko. Inilapag ko 'yong bag ko sa upuan ko sabay lumabas ng room. 

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at nagpasiya akong pumunta sa classroom nila. Alam ko namang wala pa siya pero nagbabaka sakali ako. Ang weird na ng mga ginagawa ko nitong nakakaraan ah. Bukas 'yong ilaw ng room nila kaya sumilip ako.

Sulyap.

Nandito na siya. Maaga pala siyang pumapasok? Siya pa lang ang mag-isa sa room nila. Nagtitigan pa kami ng medyo matagal bago niya iniwas 'yong tingin niya sa akin. Medyo nasaktan naman ako ng gawin niya 'yon.

Umalis na ako dun at nagpasiya na lumagi na lang sa room. Hindi naman ako nainip nun dahil dumating na kaagad si Dana. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumami na ng dumami ng nasa room at hanggang sa magbell na.

Umakyat kami sa rooftop para magflag ceremony. Ewan ko kung ano nanaman ang sumanib sa akin at napatingin ako sa pila nila.

Sulyap.

Nahuli nanaman niya ako. Tumingin agad ako sa ibang pila para naman hindi niya mahalata na sila lang ang tinitignan ko.

Ginawa lang namin 'yong mga usual routines ng Flag Ceremony. Name it.

Bago kami pumasok ng room, narinig ko ang boses niya. For the first time, narinig ko ng malapitan ang boses niya. Tinignan ko siya.

Sulyap.

Nahuli niya ako pero ngayon, nginitian na niya ako. Ngumiti naman ako pabalik. Pakiramdam ko pwede na akong kunin ni Lord nung mga panahon na 'yon. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ba't ganito ang nararamdaman ko?

Ganun lang rin ang nangyari nung mga nakaraang araw. Nagkakatitigan kami sabay magpapalitan ng ngiti. Kaso, parang iba ngayon. Kasi, ngayon, kahit isa, hindi niya ako tinignan. Parang iniiwasan niya ako na hindi ko maintindihan. Inaamin ko, nasasaktan ako. Siguro nga, mahal ko na siya. Siguro nga sa isang sulyap niya, napaibig ako. Hindi ko alam kung paano basta ang alam ko, mahal ko na siya.

Hindi kaya ayaw niya sa akin? Hindi kaya naisip niya na ba't niya ako tinitignan in the first place? Hindi kaya naisip niya na bakit niya nginingitian ang isang katulad ko? Huwag naman sana.

"Oh? Ba't parang down na down ka diyan?" Nginitian ko na lang si Dana. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Basta ang alam ko, anytime, babagsak ang luha ko. Madrama ba masiyado? 'Yon ang nararamdaman ko eh.

Nagbell na. Sinasabi na pwede na kaming umuwi. Nagpunta na ako sa locker ko para ilagay 'yong mga libro ko. Wala ako sa mood mag-aral ngayon.

Hu? May papel kasi akong nakita na nakalagay sa locker ko. Binuksan ko naman 'yon at binasa ko. Punta ka ng rooftop, please? May importanta lang akong sasabihin sa'yo. - Trey. 

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang sulat niya. Ano naman kaya ang dapat niyang sabihin sa akin? Tumakbo kaagad ako ng rooftop.

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil sa may stage lang siya nakaupo.

"Ano ba 'yong importanteng sasabihin mo?" 'Yan kaagad ang sinabi ko pagkakita ko sa kaniya. Masama pa rin kasi ang loob ko sa pag-iwas niya ng tingin sa akin kanina. OA na kung OA. Kung kayo naman siguro ang nasa lugar ko, masasaktan rin naman kayo hindi ba?

"Mahal kita." Napatingin ako sa kaniya dahil ganun lang niya kabilis nasabi sa akin ang nararamdaman niya. Tinitigan ko siya sa mata niya para malaman kung nagsasabi siya ng totoo. "Alam ko kakaiba pero, wala eh. 'Yon ang nararamdaman ko para sa 'yo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko anytime, bibigay na ang tuhod ko. "Ba't ka umiiyak?!" Nagpapanik niyang tanong. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"Tears of joy siguro?" Dati, hindi ako naniniwala sa tears of joy. Bakit ka naman maiiyak kung masaya ka hindi ba? Pero, totoo pala 'yon. Naiiyak ako sa saya. Weird ba?

"Ibig sabihin ba nun, mahal mo rin ako?" Natawa naman ako sa tono ng pananalita niya. Parang excited na bata na pinangakuan ng mga magulang niya na bibilhan ng maraming laruan.

Tumango ako. Sabay sabing..  "Sa isang sulyap mo, napaibig ako."

*****************************************************************************************************

VOTE AND COMMENT NAMAN KAYO. HAHAHA. BORED NANAMAN AKO! SHIZ. KAMUSTA NAMAN 'YON DIBA? ALAM KO PANGIT!! PEROOO SANA MAGUSTUHAN NIYO PA RIN!!!!! <3

x

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon