Ca-ca at Tin-tin (One Shot)

42K 730 69
                                    

"Ca-ca at Tin-tin." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2013.

 

 

P.S: BORED AKO EH. BASAHIN NIYO SANA.

BAKA LAST NA ONE SHOT KO NA 'TO.

NAWAWALAN NA KASI TALAGA AKO NG GANANG MAGSULAT. PARANG FAREWELL? LOL.

PERO WHO KNOWS? BAKA BIGLANG BUMALIK ANG HILIG KO AT GUMAWA AKO NG MARAAAAAAAAAAAAMING MARAMI PA. ODIBA? HAHAHAHA.

ENJOYYYY! =)))))))))))))))))))))))))))))))))))))

+++++++++++++++++++++++++++++++++


INTRO:

Mahal kita. Mahal mo siya. Mahal ka rin niya.

Congratulations! Ako ang tanga!

Pero sinasabi ko sa inyo. Magkakatuluyan kami.

Wag kang mag-alala! Ooops! Na-spoil ba kita?

Sorry ka na lang. Spoiler talaga ako eh! =P

++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Mahal kita." Halos pabulong ko nang sabi.

"Pero.. Mahal ko siya. Sorry." Sabay lakad niya papaalis para puntahan ang 'mahal niya'. Aray. Masakit pala sa matang tignan ang mahal mo na kasama ang mahal niya. Para ka lang tumitingin sa matinding sikat ng araw. Masakit na nga, mukha ka pang tanga.

May mas masakit pa bukod don--ang malaman mo na nagmamahalan silang dalawa. Wow! Ako na talaga ang tanga.

Matawagan na nga lang ang best friend ko. Tutal, kailangan ko ring mahimasmasan matapos kong mabasted. Wow ha, akala mo naman nanligaw ako. Mga 5 rings siguro bago niya sinagot.

"Ba't ang tagal mong sagutin? Kailangan maka-5 rings bago sagutin?" Kairita eh. Alam naman niya na ayaw kong pinaghihintay.

[Sorry naman! Andito kasi si Vince eh.] Nakakainggit naman 'tong babaita na 'to. Meron kasi siyang isang mapagmahal at mabait na boyfriend. Eh di ako na ang single!

"Di bale na nga lang. Akala ko naman masasamahan mo ako sa mall. Pero, enjoy kayo!" Sabay baba ko na bago pa siya makasagot.

Mukhang ako na lang ang mag-isang magmo-mall.

***

Inenjoy ko lang ang sarili ko. Napapansin ko kasi na hindi ko na masyadong naaalagan ang sarili ko nang dahil sa kaniya. C'mon Jess, wag mo muna siyang isipin ngayon. Mag-eenjoy ka, remember?

Pumunta ako ng starbucks dahil nasa mood akong magkape. Kaso mali ata ang gusto ng mood ko. Paano ba naman kasi nandun sila at mukhang busog na busog ang mga langgam at daga sa sobrang kasweetan at kacheesy-han nila.

Makauwi na nga lang bago pa ako tuluyang maging ampalaya. Pero ayokong maging bitter. Kasi ang ampalaya, inuulam. Hindi inuugali.

***

"Mom, I'm home!"

"Nasa kusina ako, dear!" Nagluluto nanaman ito panigurado.

Dumiretso na ako sa kusina at tama nga ako. Nagluluto nanaman siya. Ginagawa na ata niyang hobby ang pagluluto eh. Nagkiss lang ako sa cheeks niya at umupo sa dining table.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon