Sentro (one shot)

31.3K 376 17
                                    

Sentro.” (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

--

“Sino 'to?” Natawa na lang ako nang biglang may takip sa mata ko. Kahit naman hindi ko siya nakikita, kilalang kilala ko na siya.

“Sira ka ba? Siyempre ikaw 'yan Miggy.” Bigla niyang inalis ang kamay niya sa mata ko. Humarap naman ako sa kaniya para makita siyang naka-pout. Awwe, ang cute lang niya!

“Ang daya mo naman eh! Paano mo nalaman?” Kahit kailan talaga 'to, napakaisip bata!

“Malamang kilalang kilala ko na ang boses mo.” pagpapaliwanag ko sa kaniya.

“Siguro nagugustuhan mo na ako no? Sasagutin mo na ba ako?” Ayan nanaman po tayo.

“Ni-hindi ka nga nanliligaw sa akin, papaano kita sasagutin?” Hindi naman talaga siya nanliligaw! Siguro nangtitrip nanaman 'to! =_=

“Eh di kung ligawan kita, sasagutin mo ko? Sinasabi ko na nga ba may lihim kang pagnanasa sa akin eh!” WATDA?

“Pinagsasabi mo diyan? Hindi no! Ba't naman kita pagnanasahan?” pagdedeny ko. Kahit na ang totoo ay crush ko siya. Mehehe. Kasalanan ko bang gwapo siya? Isa lamang po akong dalagang filipina na umiibi-- nagkakacrush!

“Siyempre dahil gwapo ako.” WOOOH! Kahit pa totoo ang sinasabi niya, asa pa siyang sasabihin ko sa kaniya ang totoo! :P

“Kung gwapo ka, eh di wala ng pangit?” pangbabara ko sa kaniya.

“Aray!” May pahawak hawak pa sa bandang chest part niya. Tae, ang gwapo niya nung ginawa niya 'yon!

“Ang arte mo. Magtigil ka nga. Hahaha.” Natatawa kong sabi sa kaniya.

“Oo na. Titigil na ako pero sa isang condition!” Parang kinakabahan ako sa itsura ng mukha niya ngayon ha? Parang may kalokohan nanaman binabalak!

“Oh ano naman 'yon aber?” Sakyan na lang natin para matahimik na.

“Kiss muna.” pagkasabi niya non, tumakbo siya dahilan para habulin ko siya. Nakarating kami hanggang sa may cafeteria. Lahat ng mga estudyante dito pinagtitinginan kami. I care less. Kailangan kong mabatukan ang siraulong unggoy na 'yon. Taeng 'yan, feeling ko grabe ang pamumula ng mukha ko ng dahil sa sinabi niya. Buti na nga lang at tumakbo siya kaagad kaya naman hindi niya napansin.

“Miggy! Tama na nga! Pagod na ko.” Grabe 'tong isang 'to! Ang lupit sa takbuhan! Eh di siya na ang runner!

“Suko ka na agad Mandee?” Pang-aasar pa niya. Kainis naman 'tong isip bata na 'to! Nagtataka na tuloy ako sa sarili ko kung paano ko nagustuhan 'tong lalaking 'to eh.

“Oo na. Payn. I accept defeat!” Hingal na hingal parin talaga ako hanggang ngayon. Kayo ba naman ang tumakbo ng tumakbo eh.

Lumapit sa akin si Miggy at binigyan niya ako ng tubig. Nakanangchuchu naman! Ang sweet!

“Thanks.” Sincere ako nung sinabi ko 'yan.

..*..

Sabay kaming pumunta ng classroom ni Miggy. 'Yong mga kaklase ko naman napaka. Inaasar ba naman kami. Kesyo ba't daw ba hindi maging kami eh halata namang gusto namin ang isa't-isa na tinatawanan na lang namin. Pang-asar lang? Alam ko namang iba ang gusto ni Miggy eh dahil nakukwento niya sa akin 'yong taong gusto niya. Napakaganda daw nung babae. Ang sarap daw kakwentuhan at higit sa lahat, girlfriend material daw 'yong crush niya. Oh eh di magsama sila. AS I CARE?!

“You're idling.” Nabalik ako sa mundo nang marinig ko ang boses niya. For how long I've been idling? Tch.

“Hindi ah.” pagdedeny ko.

“Oh sige nga, kung hindi ka naga-idle, ano 'yong mga sinabi ko sa'yo?” EH?

“May sinabi ka ba?”

“See, sayang naman! Ang tagal ko pa man din 'yong pinagpractisan tapos hindi mo naman pala maririnig?” pangongonsensya niya na sa tingin ko ay hindi niya naman sinasadya.

“Sorry na, Miggy. Ganito na lang, itanung mo na lang ulit sa akin. Paramis! Makikinig na ako. Sounds good?” Sana naman pumayag siya! Nakokonsensya na ako eh! Tch. Saka, nako-curious din ako sa kung ano ba 'yong pinagpractisan niyang itanong.

“'Di na. Sinayang mo ang pagkakataon.” Ay ganon?

“Ay ganun ba kabongga ang itatanong mo?” sarkastiko kong sabi.

“Yep.” He told me, popping the p.

“K. Itanong mo na kasii!” pangungulit ko pa.

“Ayoko.”Pailing-iling pa siya ng ulo. Nang-aasar talaga 'to no?

“Itanong mo naaaa!” Nagsisimula na talaga akong mairita dito sa lalaking 'to!

“Bakit 'pagtinanong ba kita magugustuhan ko ang sagot mo?” Napaisip naman ako sa sinabi niya.

“Siyempre depende naman 'yon sa tanong mo. Huwag lang math dahil talagang wala akong maisasagot dun.” Natatawa siya sa sinabi ko.

“See? Ayoko na pa lang itanong.” Pagbabago niya sa isip niya. Ay tae naman 'to oh.

“'Pag hindi mo pa tinanong 'yan, sinasabi ko sa'yo, magagalit ako.” Tototoo 'yan. Curiosity is killing me!

“Oo na nga! Pasalamat ka mahal kita.” Nagulat naman ako sa sinabi niya dahilan para sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Feeling ko nga gusto na niyang kumawala sa ribcage ko! Maging siya, nagulat sa sinabi niya. Napakamot na lang siya sa batok niya. Nahihiya siguro siya?

“Makapagjoke naman to oh!” Pagbabasag ko sa awkward moment.

“Kunwari pa 'tong si Mandee pero halata naman na kinikilig! Huwag ka na ngang magpakipot! Halata namang gusto mo rin si Miggy eh!” Kantyaw ni Micca. Lokaret talaga 'yong babaeng 'yon.

“Hindi ako nagjojoke Mandee. Mahal talaga kita. Mahal mo rin ba ako?” Awwe, ang cute niya habang sinasabi niya 'yon. Para siyang bata na nagtatanong.

“Mandee!! Sumagot ka na!! Pasuspense naman 'tong babae na 'to oh!” Tinignan ko nang masama si Michie. Kailangan talaga sumaside comment? Psh.

Kinakabahan ako. Aamin ba ko? Pero kasi ano eh, nahihiya ako! Taeng 'yan. Pero wala namang mawawala kung aamin ako hindi ba? In fact, magkakaroon pa nga ako. XD

“Oo. Mahal din kita Miggy.” Nagulat ako nung bigla niya akong yinakap. Shiz. Ang heaven ng feeling.

“So, pwede na ba kitang gawing sentro ng buhay ko?” AY WALANJONG TANONG 'YAN! SHEMAY! AMININ KO MAN O HINDI, KINIKILIG AKO! SA INYO BA ITANG ANG KATAGANG 'YAN, HINDI KAYO KIKILIGIN? ABNORMAL NA LANG KAYO KUNG HINDI. PATSHEK.

“Oo naman.”

“SA WAKAS! NAG-AMINAN NA RIN ANG DALAWANG NAGMAMAHALAN!” Taeng term 'yan. Nagmamahalan talaga? Iiiiih! :”> Hahahaha.

---------------------------------------------------------

BORED NANAMAN AKO GUYS! T^T WALA AKONG MAGAWA DITO SA BAHAY. WALANJO! BASAHIN NIYO 'TO, MAGSISISI KAYO! SUPER WALANG KWENTANG STORY! HAHAHAHAHAHAHA, AYAW KO NA. XD WALA AKONG MAISIP NA TITLE KAYA 'YAN NA LANG ANG GINAWA KO. SORRY NAMAN! XDDDD


VOTE AND COMMENT KAYO KUNG GUSTO NIYO! :DDD

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon