Zhutem? (KathNiel) (one shot)

24.1K 232 24
                                    

"Zhutem." (One Shot)

© kimkimmy16, wattpad2012.

**********************************************************************************************************

"Je t'aime.."

...Zhutem? Saang planeta ba nanggaling ang salitang 'yan?! Hindi ko maintindihan! Sinearch ko sa google, walang lumalabas! Fuuu. >o< Hayy, DJ... Ano bang salita 'yan?


***********************************************************************************************************

"Kath, may gusto akong sabihin sa iyo.." Ayan nanaman siya. Sasabihin nanaman niya ang allien word na hindi ko naman maintindihan.

"Kung 'yong Zhutem, zhutem uli 'yan.. Hay nako! Huwag na." Nakakainis naman kasi. Magsasabi na nga lang ng salita, 'yong hindi ko pa maintindihan.

"Eh bakit? Totoo naman 'yon eh!"

"Sabihin na nating totoo nga, eh kung hindi ko naman maintindihan.. Parang wala rin." Tama naman ako hindi ba? Kahit gaano man katotoo 'yong sinasabi mo, kung hindi rin lang maintindihan ng sinabihan mo, parang wala rin.

"Ba't kasi hindi ka pa nag-aral ng ibang language eh!" Paninisi niya sa akin.

"Ah so, kasalanan ko pa ngayon kung wala akong ibang alam na language?" Umiling naman siya.

"Hindi mo ba talaga alam ang ibig sabihin nun?" Ay unli? Paulit-ulit?

"DJ, Itatanong ko ba naman sa 'yo kung alam ko?"

"Hindi mo man lang sinearch sa google o nagtanong tanong man lang?"

"Sinearch ko na sa google, kaso wala namang lumalabas. Wala daw word na ganun! Nagtanong tanong? Hmm.. Hindi pa." Natawa naman siya pagkasabi ko nun. "Ba't ka ba tumatawa?" Nakakairita na kasi eh.

"Wala lang! Sigurado ka? Walang lumalabas?" Umalis na lang ako. Hindi ko na siya pinakinggan pa. Naiinis lang kasi ako.

"OYY! SAAN KA PUPUNTA?" Nagtinginan 'yong mga estudyante sa hallway. Papaano ba namang hindi titingin kung isinigaw niya diba?

"Kung saan malayo sa 'yo!" Hindi ko masyadong sinigaw, 'yong tama lang para marinig niya. Natawa uli siya sa sinabi ko. Masyado siyang masaya ngayon ha.

"Kath! Huwag mo na lang silang tanungin kung ano ang ibig sabihin nun. Sasabihin ko sa 'yo sa friday. Magkita tayo sa rooftop. Basta lagi mong tatandaan, je t'aime." Pagkasabi niya niyan, umalis na siya. Zhutem? Ano ba talaga ang ibig sabihin niyan? Di bale, sasabihin naman niya sa friday eh. 

****

"Kath? Ba't ba hindi ka mapalagay diyan?" Friday na kasi ngayon, nandito ako sa cafeteria kasama ni Julia. Diba, ngayon niya sasabihin 'yong meaning nung Zhutem? Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako!

"Kinakabahan kasi ako." 'Yong kamay ko nagiging clammy eh. Ugh!

"Hay nako Kath! 'Yong tungkol ba sa pagkikita niyo ni DJ sa rooftop mamaya?" Nakwento ko sa kaniya 'yon. Hindi naman ako kinakabahan kahapon!

"Oo eh. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng zhutem na 'yon?" Nagshrug lang siya. Talaga bang hindi niya sasabihin? Alam ko sinabi ni DJ na huwag na daw ako magtanong dahil sasabihin naman niya sa akin. Pero, hindi ba pwedeng bigyan man lang ako kahit clue?

"Secret!" she said to me with her mischieous grin. I hate that smile!

Time passed in a blurr. All I know, papaakyat na ako sa rooftop. Hindi niya ako kinausap buong araw. Kada kakausapin ko siya, bigla na lang niya niyayaya 'yong mga kaibigan niya. Nung una nga naiinis pa ko kaso sabi ni Julia pabayaan ko daw muna.

Masyado akong na preoccupied ng thoughts ko kaya naman hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nasa rooftop. Hindi naman ako masyadong nahirapang hanapin siya dahil nandun lang siya sa may stage, nakaupo.

"DJ?" Tawag ko sa kaniya. Napaangat 'yong ulo niya sabay ngiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik dahil 'yon ang hindi mo maiiwasan. Para bang sa twing ngingiti siya, kailangan mo ring ngumiti. Para siyang sakit na nakakahawa. Minsan nga, gusto ko, ako ang dahilan ng bawat ngiti niya. Ano ba naman 'tong mga naiisip ko!

"Balita ko, kinukulit mo daw si Julia about dun sa meaning ng je t'aime ah?" Kakunchaba pala niya si Julia! Kaya pala ayaw niyang sabihin sa akin!

"Ang daya! Kinunchaba mo pala siya!" Natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Ikaw nga 'yong madaya diyan eh! Sabi ko huwag ka nang magtanong kaso nagtanong ka pa rin." Oo nga naman.

"So? Ano na ang ibig sabihin nun?"

"Atat ka naman masyado eh." Inirapan ko na lang siya. "Oo na. Sasabihin ko na. Walang salita ang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo Kath. Mahal kita sa tagalog. I love you sa English. Je t'aime sa French. Te amo sa--" Pinutol ko siya. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in 'yong mga sinabi niya sa akin.

"Nagcoconfess ka ba?" 'Yan na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Napakamot naman siya sa may batok niya sabay sabing.. "Oo."

"Teka teka. Ang ibig mo bang sabihin ang ibig sabihin ng Je t'aime ay mahal kita?" Hindi ako makapaniwala. Naiiyak ako ngayon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Oo Kath, mahal kita. Nung sinabi ko sa iyo 'yong Je t'aime dati, nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob. Kaso hindi mo pala alam. Teka, umiiyak ka ba?" Nagpanik siya nun. Kung hindi lang ako seryoso ngayon, natawa na sana ako eh.

Naguilty naman ako nun. Nag-ipon pa siya ng lakas ng loob para lang sabihin sa akin 'yon tapos eto namang si ako, hindi alam ang ibig sabihin. Ba't nga kasi hindi ako nag-aral ng ibang language?

Mahal niya ako. Mahal ako ni DJ.

"Kath, mahal mo rin ba ako?" Napaisip ako bigla.

Gusto ko, ako ang dahilan ng mga ngiti niya.

Gusto ko, palagi ko siyang nakikitang masaya.

Ayaw ko siyang nakikita na malungkot.

Ayaw ko siyang nakikita na nasasaktan.

Naiinis ako pag may kausap siyang ibang babae.

Naiinis ako pag hindi niya ako pinapansin.

Siguro nga matagal ko na siyang mahal. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko. Naduwag ako.

"Oo DJ, Mahal rin kita!" yinakap ko siya ng napakahigpit.

Ang sarap sa feeling na yakap yakap niya ako ngayon.

"Je t'aime Kath!" Ay? Walang sawa? Hahaha. Pero aminin ko man o hindi, kinikilig ako ngayon.

"Mahal rin kita DJ."

********************************************************************************************************

FUUUUUUUUUUUUU! DI AKO ALAM KUNG BAKIT KO NAISIP 'TO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. PAGPASENSYAHAN NIYO NA! BORED LANG AKO NGAYON! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. BEYEN PURO TAWA! BASTA, VOTE AND COMMENT KAYO HA? PLEAAAAASE? PRETTY PLEASE? WITH CHERRY ON TOP? BBYE!

VOTE/COMMENT!

xoxo,

Kim.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon