[36]: The Journey to The Dark Kingdom (The Arrival)

212 20 2
                                    

CHAPTER 36
The Journey to The
Dark Kingdom
(The Arrival)
~*~

NAGING masalimuot ang naging paglalakbay ng grupo ni Clark kasama ang ilan sa mga Royals. Maraming mga halimaw ang sumalubong sa kanila maging ang mga rogues na bampira at lobo. Sinabihan na sila ni Sir Damian at Severus na iwasan ang mga ganito upang makatipid ng enerhiya ngunit nagpupumilit pa rin si Clark na labanan ito. Sa huli, pagod na pagod si Clark at Harrison dahil sila lamang ang lumaban sa mga ito.

Nakaupo lamang ang iba sa sanga ng mga puno at nakamasid. Tili hindi alintana ang mga mapanganib na nakakasalubong nila.

Tumaas-baba ang dibdib ng dalawa dahil sa pagod. Kumuha ng suporta si Clark mula sa puno at saka nagsalita.

"We need to go now. We need to finish this mission as soon as possible." Seryosong sabi niya at saka siya naglakad na.

Napailing na lang si Alexus sa kaniya. Tila hindi makapaniwala sa ginagawa ng kaibigan. "We need to hurry!" Sigaw pa ni Clark na siyang nagpaalerto sa lahat. Nagsimula na silang maglakad patungo sa Dark Kingdom; papalabas sa Dark Forest.

"Bakit ba gan'yan 'yan si Clark? Ano ba niyan si Harriet?" Tanong ni Genie sa kaniyang isipan. Bagamat naguguluhan, hindi na niya ipinagpatuloy ang pag-iisip ng kung ano-ano at ipinagpatuloy ang paglalakbay.

SA ISANG mundong puno ng kasakiman at galit; mga ordinaryong tao man o mga ibang uri; ay nakakagawa ng isang desisiyong maaring makasama sa nakararami.

Hinalo ng matandang babaylan ang kaniyang kawa at doon siya nagulat. Nakita niya ang mangyayari sa hinaharap... at ang magiging kahihinatnan.

Gamit ang tungkod, hinalo niya muli ang kawang punong-puno ng tubig na kumukulo na may iba't ibang kulay. Pinanood niya mula sa kawa ang mga mangyayari. Napabuntong-hininga na lamang siya matapos niy malaman ang mangyayari, ngunit sa kabilang-dako, kaba at takot ang nararamdaman niya para sa tauhan na kaniyang pinanonood. Hindi niya mawari ang mga mangyayari matapos. Ang tanging alam niya lamang ang tila katapusan ng kanilang unang kwento.

~*~
HARRIET

ITINAAS ko ang aking sandata at itinapon sa hangin. Ipinikit ko ang aking mata at dinama kung saan tutungo ang itinapon kong armas.

Kahit na nakapikit, tumakbo ako papunta sa direksyon ng mga rosas na pananim at agad na sinalo ang pinakawalan kong espada. Iminulat ko na ang aking tingin at saka bumuntong-hininga. Tapos na para sa araw na ito.

Isang palakpak ang narinig ko mula sa akin likuran. Hinarap ko kung sino man ang may-ari nito at nakita ko siya na nakasandal sa pillar ng kaniyang palasyo.

"Good job! Mas maayos siya kaysa kahapon." Sabi niya at saka itinigil na niya ang pagpalakpak. Umupo ako sa ibabaw ng lamesa at ininom ang tubig na nasa baso. Mula pa noong nalaman ko na mabagal ang pagtakbo ng araw dito mula sa mundong pinanggalingan ko ay agad ako na nag-ensayo. Natatakot ako sa maaring mangyari sa akin at sa iba, oras na mabuhay ang reyna ng mga taga-Dark Kingdom.

"Yeah. Thanks sa effort at pang-iinsulto mo." I said to him. Five days ago, ganiyan na ganiyan ang mga sinasabi niya. 'Good job, mas maayos 'yung kahapon,' 'Mas maganda 'yung noong isang araw' pero ngayon ay iba na. Improving na talaga.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now