[18]: School Festival

321 26 2
                                    

CHAPTER 18
School Festival
~*~


HARRIET



          ISINUOT ko na ang pumps ko at tumayo. Inilagay ko ang headband ko at hinayaan na nakalugay ang buhok. Ngumiti ako ng matamis at humarap sa pinto. Nakita ko ang pagpasok ng mga costumer namin at agad ko itong nilapitan.

"Good morning! Welcome to Maid Cafe! Can I take your order, Madame, Sir?" Magalang kong tanong. I also used my accent para maiba naman.

"Ahh, give us your bestselling tea and… your casava cheese cake please." Sabi ng isang babaeng lasama ng lalaki. They look like a seniors dito sa school.

"Right away, Madame." Sabi ko at pumunta sa counter at sinabi kay Alex ang mga order nila. Matapos niyang iprepare, ibinigay niya naman sa akin ito at isinerve ko naman sa first costumer ko.

Makalipas ang halos kalahating araw, umupo muna ako sa may likod ng counter at hinubad ang pumps ko. Masyado kasing mataas ito at kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pagkuha at pagserve ng order sa mga costumer. Hindi ko naman masyadong makausap si Alexa dahil sa marami kaming mga costumer na kailangang asikasuhin.

Lumapit naman si Ewen sa akin at may ibinigay na papel. Kinuha ko ito at nakita ko ang isang sulat na naglalaman ng tungkol sa time ng pahinga at simula namin dito sa booth.

"Sa Miyerkules ka na lang ulit ng umaga. Marami naman ang papalit sa inyo. Ienjoy niyo na lang ang school festival." Sabi niya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya. "But before that, magserve ka na muna nito sa table eight sa labas. Masakit kasi ang tiyan ni Rhea, eh." Sabi niya at kumamot pa sa ulo. Tumango na lang ako at kinuha ang tray. Isinuot ko muna ang pumps ko bago nagsimulang lumabas at iserve ang isang frappe at black forest na cake. Hindi ba nag-aalala ang mag-oorder nito sa ngipin niya?

Umiling na lang ako at dumiretso sa table eight. Nakatalikod sa akin ang lalaking nag-order at inilapag ko naman ang tray sa lamesa niya.

"Sir, here's your frap—" natigil na lang ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha ng costumer. His jet black hair is in messy hair because of the wind. His eyes are focused on the newspaper at dahan-dahan nitong inangat ang tingin sa akin. Napaatras ako ng magtama ang mga mata namin.

"C-clark…" banggit ko sa pangalan niya. My heart beats faster when he slightly smile.

"Hmm…" he moan as a answer to me.

"Ugh, here's your frappe and black forest cake. Enjoy." Sabi ko sa kaniya. Naglakad na ako papasok at halos takbuhin ko na ang counter para makapagtago. Napasandal ako sa upuan at umupo. Sapo-sapo ko ang dibdib ko na rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok nito.

"Problema mo?" Tanong ni Alexa at hinubad na ang apron niya. Hinubad ko na rin ang sa akin at tumingin sa kaniya ng matiim.

"Gala tayo." Sabi ko at natawa naman siya doon.

"Akala ko kung ano na…" bulong niya sa sarili habang itinatali ang buhok. "Pero sige. Tatawagan ko lang si Yuan at magbibihis na rin ako." Sabi niya at pumasok sa CR. Umayos ako ng tayo at kinuha ang mga damit ko. Nagpalit na rin ako ng damit sa kabilang CR at saka inayos na ang sarili.

NAGLALAKAD kami papunta sa mga iba't ibang booths. Kumain na kami kanina pa at naglalakad na lang. Kasama ko ngayon si Yuan at Alexa na halos hindi na makapaghiwalay kanina pa.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now