[13]: So Close

377 28 0
                                    

CHAPTER 13
So Close
~*~


HARRIET


          DAYS HAD passed. Three days to be exact. We are currently in the middle of the woods at nagpeperform ng mga natutunan namin sa mga nagdaang araw. Natapos na namin ang hand-to-hand combat at nandito na kami sa target shooting. I don't know exactly it's name pero may hawak kaming kaniya-kaniyang baril at kailangang matamaan ang mga target na nasa harap.

"Alam naman ninyo siguro ang kailangang gawin, hindi ba?" Biglang pagsabi ni Sir Severus sa amin. May hawak siyang baril at pinapaikot niya iyon sa palad niya gamit ang kabilang kamay. "You have to shoot all the targets there…" itinuro niya ang mga target na nasa harap namin at saka nagpatuloy. "…pero hindi lang puro baril,you have to aim to target all of the red dots. Got it?"

"Sir, yes, sir!" We shouted. I feel I am inside the military camp and we are onto military training. Kulang na nga lang ang malawak na fields at putikan. Nasa bahagi kasi kami ngayon ng kagubatan na maraming damo at may mga puno sa gilid.

"Okay, at the count of three!" Inayos ko na ang pwesto ko at siniguro ko na komportable ako. "One!" I held the gun tightly and positioned my forefinger on the trigger.

"Two!" I narrowed my eyes and make sure that I will shoot the red dot.

"Three!" Wala na akong sinayang na segundo. I pull the trigger after Sir Severus shouted 'three'. I can hear also the gunshots from my other classmates.

Tinitigan ko ang direksyong tinatahak ng balang pinakawalan ko. Kinusot ko naman ang mga mata ko pero hindi ako nagkakamali. I am seeing the bullet! Pati ang mga color white o waves na nakapalibot dito ay nakikita ko rin.

"Fuck." Mahinang bulong ko sa sarili. Nakikita ko lang naman kasi ang balang papunta sa target na parang sa mga action movie. The tiny bullet is moving so fast that cannot be able to see even our naked eye, but I was able to see it. Pakshet!

Napupo naman ako sa lupa habang nakatitig doon. Tumama na ang bala sa red dot pero nakatuon lang ang pansin ko doon.

"Harriet, okay ka lang?"

"Namumutla ka!"

"Hey, get the first aid kit!"

"Tubig! Tubig!"

"May sunog ba?"

"What happened?!"

"Sir! Si Harriet!"

Napabalik naman ako sa huwisyo ng biglang narinig ko ang boses ni Sir na mukhang paparating.

"Miss Dixon, what's happening here?" Dumagundong ang boses ni Sir kaya napalingon agad ako sa direksyon niya. Nasa likod rin niya ang mga A-List kaya tumayo na ako ng maayos at hinarap sila.

"S-sir, nakakita lang ako ng kakaiba. 'Yung tipong out of this world— I mean, nakita ko po kasi kung paano magtravel ang bala." Sabi ko dito at yumuko. Ramdam na ramdam ko ang kabang nararamdaman ko pa kanina. Ibinalik ko ang tingin sa kanila. Nakita ko sila na nagkatinginan at mukhang nakita ko na tumaas isang sulok ng labi nila.

Tumikhim naman si Sir at saka nagsalita. "Miss, Dixon, Mister Emmanuel, Miss Fuentevega and Mister Zarate… to the riverbank." Ikinalma ko ang sarili ko at saka ako sumama sa iba ko pang kaklaseng tinawag. Binigyan naman nila kami ng kakaibang tingin ng iba pa naming kaklase.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now