[25]: Bloodlust

288 24 0
                                    

CHAPTER 25
Bloodlust
~*~

HARRIET

          "NATAGPUAN na ba ang mga nawawalang mga kabataan?" Tanong ko kay Jed nang maabutan ko siya. He look at me with a smirk on hi lips. Mukhang natatawa pa ang gago.

"Detective ka ba?" Tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ko.

Mahina kong sinuntok ang braso niya na siyang ikinadaing niya. "Aray!" Sabi niya at hinimas pa ang brasong nasaktan.

"Sagutin mo na nga ang tanong ko." Sabi ko at ramdam ko doon ang inis. He laugh at me at mukhang masayang-masaya na iniinis ako.

"Okay! Some of them found dead and some of them are alive but..." Itinigil niya ang pagsasalita at tumingin sa akin ng mataman.

"But..." sabi ko at sumeryoso naman ang mukha niya.

"Some of them are alive but they are somewhat possessed or nasisiraan na ang pag-iisip." He said. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.

"Bakit… bakit daw?" I ask him. He look away and avoiding mg gaze.

"This is not part of my story to tell and I can't tell it to you. Masyado itong confidential." Sabi niya kaya may na-realize ako. Maybe he is a police in training or he is a criminology student.

"It's okay." Sabi ko at tinapik na ang balikat niya. Kahit na gustong-gusto ko na malaman ang mga nangyari, I can't 'cause I'm just a simple concern citizen na mapag-usisa. This is not my right to ask those questions na talagang hindi pwedeng sabihin. All I can do is to protect myself.

"They are mumbling something about vampires, red eyes and blood." He said. Napatigil naman ako at lumingon sa kaniya.

"W-What?" I blurted. V-vampires... posible ba na…

"Yes. That's all I can say for now. Tara na?" Naglakad na siya at naglakad na rin ako. B-bakit…

"ITO na ba 'yon?" Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Jed. I nod my head at pumasok na sa karinderia. Naamoy ko na agad ang mabangong amoy ng lutong ulam kaya mukhang nagutom ako. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Harrison, Clark at Toffer na nakaupo sa isang lamesa sa may gilid. Hinila ko si Jed papunta doon.

"Oh, nakabalik ka na pala!" Sabi ni Toffer at biglang bumaba ang tingin niya sa kama namin ni Jed. Biglang tumaas ang isang sulok ng labi niya at humigop ng sabaw. Binitawan ko na si Jed at isa-isang ipinakilala sa kanila.

"Ah, guys! Si Jed nga pala. Jed… si Clark, si Harrison at si Toffer. Kain na muna tayo." Sabi ko pero tumanggi siya.

"Ah, Harriet, una na ako. Talagang tinulungan lang kita dito sa pagbuhat. Nice meeting you sa inyo!" Sabi niya at binitawan na ang mga dala niya at iniabot sa akin sabay karipas ng takbo papalabas. Nagtaka naman ako dahil doon at umupo na lang sa tabi ni Toffer na sa harap ni Clark.

"Sino 'yun?" Tanong ni Toffer. Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha ng fries na nasa platito.

"Ipinakilala ko na hindi ba?" Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"I mean, ano siya sa'yo? Friend, boyfriend…"

"New friend. Tinulungan lang ako sa pagbuhat. Ubusin niyo na 'yan para makauwi na tayo." Sabi ko sa kanila.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora