[10]: An Old Friend and Attack

461 32 0
                                    

CHAPTER 10
An Old Friend and Attack
~*~



HARRIET



"B-blake?" Nasambit ko ng makilala ang taong iyon. Why is he here?

"Riye!" Sigaw niya sabay patakbong lumapit sa akin. Napatingin naman ang mga estudyante na nandito sa loob ng cafeteria sa pagsigaw niya. Napangiti na lang ako sa kanila na parang awkward at saka itinuon ang paningin sa kababata kong nasa harapan ko.

"I miss you…" nasambit niya sa akin pagkalapit niya at saka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng mahigpit at saka nagsalita din.

"I miss you too…" sabi ko sabay kumalas sa pagkakayakap niya at saka siya tiningnan. "Bakit ka nga pala nandito? Akala ko na ay nasa States ka na?" Tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako at saka ginulo ang buhok ko.

"Bawal na bang umalis?" Pananabla niya sa akin. Kinurot ko naman ang pisngi niya sabay gulo din ng naka-wax niyang buhok.

"Ehem. Ehem!" Nakarinig naman kami ng pag-ubo sa gilid ko at nakita ko ang mga kasabay ko na kumain kanina na nakatingin sa pagda-drama namin.

"Ahh guys! Si Blake ng pala. Blake meet my friends here… Alexa, Yuan, Seven, Christoffer, Denver, Draco, Alexus, Harrison and Clark." Inisa-isa ko pang pakilala ang mga kaibigan ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya kay Blake maliban kay Harrison at Clark na naka-poker face lang.

"Hi, Alexa nga pala. Your future wife…" ibinulong na lang ni Alexa ang huli niyang sinabi pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko.

"Uhm hi, pwede makiupo?" Ngumiti pabalik si Blake sa kanila at pinaupo ko naman siya sa tabi ko at napagigitnaan namin siya ni Alexa.

"Uhm, bro. Parang ngayon lang kita nakita dito. Are you a transferee or exchange student?" Tanong ni Draco sa kaniya. Himala! Ang bait niya ata ngayon!

"Yeah. I am a transferee from States and kailangan kasing dito na ako mag-aral because of a work." Sagot ni Blake sa tanong niya. Tumayo naman na ako at pumunta sa counter para kumuha ng pagkain para kay Blake. Isang slice ng pizza at orange juice ang kinuha ko. Paborito ni Blake. Naglakad ako pabalik sa table namin at inilapag ang pagkain sa harap ni Blake na nakikipag-usap sa Elites maging sa mga kaibigan ko.

"Blake oh." Inilapag ko sa harap niya ang pagkain at saka siya ngumiti.

"Thanks Riye." Pasasalamat niya sa akin sabay kuha sa pizza.

"Ahh, so ikaw ang nagpasimula ng 'Riye, Riye' na 'yan?" Tanong ni Alexa kay Blake. Napatango na lang si Blake sa tanong niya kasi may laman pa ang bibig niya.

"Ay! Uuwi na ako ha! Inaantok na ako eh." Paalam ko sa kanila. Tumakbo ako papalabas at hindi na inintindi ang pagtawag nila sa akin.

Pagkapasok ko sa room namin, pumunta ako sa CR at naligo. Feeling ko kasi ang lagkit ko na at ang init pa sa cafeteria kahit na air conditioned 'yon. Marami kasing nandoon kaya marami din ang carbon dioxide na napo-produce. Hehe.

Pagkalabas ko sa CR, kumuha lang ako ng pantulog at saka nagbihis. Isang puting sando at pajama na green ang suot ko. Ginamit ko naman ang tuwalya para matuyo ang ulo ko. Pinunasan ko lang buhok ko at ipinatong ko ito sa ulo ko at lumapit sa study table namin. Kinuha ko lang ang laptop ko at nanood ng mga downloaded videos.

Ilang sandali pa, biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Alexa. Pumasok ito sa pinto at dire-diretsong umupo sa upuan na malapit sa akin.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon