[2]: New Friends and A Drink

1.1K 62 2
                                    

CHAPTER 2
New Friends and A Drink
~*~




HARRIET

NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Tumingin ako sa orasan sa bedside table. Nakita ko na alas-kwatro na ng hapon. Tumayo na ako at napansin ko ang isang babae na nakatayo sa harapan ng salamin. Nang tumingin siya sa akin, ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Kamusta ka na? Alam mo bang ikaw lang ang nabiktima ni Sir July. Hahaha. By the way, I'm Alexa. How about you?" Sabi ng babaeng may mala-porselanang balat at may straight na buhok. She looks like a barbie doll.

"Okay na ako. Harriet ang pangalan ko—wait! Sir July?! You mean 'yung matanda na parang witch at siyang tumulak sa akin sa balon?" Tanong ko kasabay ng nanlalaking mata. My god! Nag-ala Giselle pa ako tapos.....fake lang pala ang soon-mother-in-law ko este soon-techer-slash-professor ko.

"Yup!" She emphasized the 'p' in her word. "Do you want to take a snack?  Baka kasi gutom ka eh." Tanong niya.

"Ahh, sige. Sandali lang, magbibihis lang ako." Tumayo na ako at kinuha ang mga damit ko sa maleta. Siguro, mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko.

Dumiretso ako sa C.R. ng kwarto namin. Mabilis lang ako naligo at nagbihis. Gray off shoulder na dress at maong na shorts ang nakuha ko. Nagsuklay na din ako sa loob ng C.R. at itinali ko na pa-messy bun. Naglagay lang ako ng polbo at lip balm para dagdag kulay sa mukha ko. Pagkalabas ko sa C.R, napanganga naman si Alexa. Lumapit pa siya sa akin at sinuri ang buong katawan ko.

"Si Harriet ka ba? Ang ganda mo, girl!" She exclaimed. Inaya ko naman na siya at lumabas na kami. Isinara na namin ang room namin at agad naman siyang umabrisete sa akin.

"Sa Registration Office muna tayo. Kuha muna tayo ng I.D. at ibigay natin 'tong form." Ipinakita pa niya sa akin ang mga envelope namin. Wait, how did she get my envelope? "Don't worry, kinuha ko lang ito kasi baka malimutan mo. Let's go!"

Naglakad na kami papunta sa Registration Office. Medyo may kalayuan sa dormitory namin, pero ayos lang. Nag-uusap kasi kami habang naglalakad.

"Wait, are you a vampire? Kasi ako eh, I am a vampire. May kapatid ako na isang elites at nasa second year na rin siya dito. How about you? Do you have any relatives here?" Tanong niya sa akin.

"I am a werewolf at saka wala akong kapamilyang nag-aaral dito. Wala nga akong kakilala na isang werewolf din sa family namin. Well, hindi naman ako masyadong close sa mga relatives ng pamilya namin." Tugon ko naman dito.

"Ahhh, baka special case ka. Ewan ko pero nabasa ko na din 'yan sa history book ni Alexus." Sabi niya kasabay ng pagtango.

Nang makarating kami sa Registration Office, agad namin ibinigay ang mga documents sa clerk na naka-assign sa mga freshmen. Ibinigay niya lang sa amin ang mga copy at pinapunta sa isang room. Sinabi niya sa amin na may ibibigay daw na kung ano. Nang makapasok kami sa room, nakita namin na ibibigay daw dito ang identification card namin at isang card para sa mga expenses namin. Hindi daw kasi tinatanggap ang mga pera na galing sa mundo ng mga tao. Pinicturan lang kami at ibinigay na ang I.D. namin.

Nang matapos, agad kaming dumiretso sa dormitory at inilagay ang mga documents. Lumabas din kami para kumain sa cafeteria. Habang naglalakad kami, nakita ko naman na napapatingin ang iba sa amin. For sure dahil mga freshmen kami. Pagkarating sa cafeteria, halos puno na rin ng mga estudyante ang bawat lamesa at upuan. Nag-order lang ako ng sinigang at kanin. Bumili lang ako ng orange juice at tubig. Si Alexa naman ay pizza at red juice. Ewan ko kung ano ang red juice na 'yon.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon