[8]: Just My Type

511 28 0
                                    

CHAPTER 8
Just My Type
~*~


HARRIET



IT'S BEEN two days since na-discharge ako sa infirmary. Nandito ako ngayon sa mall dito sa Luna Academy. Ngayon ko lang nalaman na meron pa lang mall dito. Ginamit ko din ang card na binigay ng academy. Naglalaman kasi 'yon ng pera na maaring magamit dito sa academy.

Tumakas ako kay Alexa na natutulog ngayon sa room namin. Pinapagpahinga niya ako at total bed rest daw. TOTAL BED REST?! Eh, laging ganiyan ako noong nakaraang linggo. Bumibili ako ng mga ingredients para sa gagawin kong spaghetti, pizza na homemade at marami pang iba. Gusto ko kasing i-treat ang mga kaibigan ko at Elites dahil sa pag-aalaga nila sa akin. Marunong naman ako magluto kaya hindi sigurado akong masarap ang magiging kalabasan nito.

Matapos kong bumili ng mga ingredients, bumili ako ng apron at hair net. Bumili din ako ng iba pang mga kakailanganin. Mga spices at pampalasa lang. Lumapit na ako sa cashier at binayaran ang mga pinamili ko.

Naglakad ako pauwi. Medyo may kalayuan pero gusto ko rin mag-exercise. Pagkarating ko sa room namin ni Alexa, nakita ko na nagbibihis siya.

"Saan ka?" Tanong ko habang inaayos ang mga pinamili ko. Meron naman dito na kitchen sa bawat room para sa mga gustong magluto.

"Tinawagan ako ni Mommy. Nandyan sa may office. Sama ka?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na. Magluluto ako para sa atin. Pa-thank you ko na rin sa pag-aalaga niyo sa akin."

"Awwww~ 'Wag na! Baka pangit ang lasa." Bahagya ko naman sinampal ang braso niya. Napa-aray naman siya dahil don.

"Wala ka bang tiwala sa cooking skills ko? Humanda ka 'pag natikman mo 'to."

"O s'ya! Bahala ka! Bibilisan ko na lang para masamahan kita, okay?" Tumango na lang ako at narinig ko na nagpaalam na siya. Narinig ko na sumarado na ang pintuan, indikasyon na umalis na siya. Nagsimula na akong magpalit ng damit at ilagay ang apron at itali ang buhok. Ibinun ko lang ito at inilagay na ang hair net.

Inihanda ko na ang mga ingredients. Uunahin ko na muna i-prepare ang pizza. Hinugasan ko naman na ang mga gamit at inihanda ang mga kakailanganin ko. Eggs, hotdogs, iba't ibang klase ng cheese at mga gulay. Hiniwa ko na ang mga gulay at inilagay sa bowl. Hiniwa ko na din pati ang cheese at hotdogs at inilagay sa hiwalay na lagayan. Inihanda ko naman ang harina, itlog at iba pang mga sangkap para sa magiging dough. Pinaghalo-halo ko lang ang mga ingredients para sa dough at minasa ito. Pina-ikot-ikot ko pa siya sa ere gaya ng ginagawa ng mga chef na napapanood ko sa YouTube. Pagkatapos kong ihanda ang dough, inoven ko muna ito at pinainit. Kaniya-kaniya na lang kasing style, at ito ang style ko.

Pagkatapos ng two minutes, inilabas ko na ito at nilagyan na ng mga toppings. Inuna ko muna ang cheese, sunod ang mga gulay at hotdogs. Dinagdagan ko pa ng iba't ibang klaseng cheese para masarap.

Maya-maya, nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Nakita ko naman si Alexa na pumasok.

"Hi! Nagluluto ka na?" Tanong niya sa akin. Tumango agad ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Tulungan na kita." Lumapit siya sa akin at agad ko naman siyang hinarang.

"Hep! Apron at hair net muna!" Sabi ko sa kaniya. Kinuha naman niya ang mga sinabi ko at nag-abang na kung anong gagawin. "Paghalo-haluin mo 'tong giniling, itlog, asin, paminta at mga ito. Para 'yan sa spaghetti."

"Okay, pero pang-meat balls ito, eh."

"Oo nga. Pang-sahog lang siya." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now