[3]: First Half Day with Bad Vibes

899 56 0
                                    

CHAPTER 3
First Half Day with Bad Vibes
~*~


HARRIET


NAGISING ako ng alas-nueve ng gabi. Naka-katawang tao na ako at nakahiga pa rin sa sahig ng C.R. Tumayo ako at naligo. Nagbihis lang ako ng pantulog at lumabas na din. Hindi ko pa nakikita si Alexa kaya paniguradong nandoon pa din 'yon sa devils' dormitory. Nakita ko naman ang mga maleta ko kung kaya't inayos ko ang mga damit ko na nasa loob ng maleta. Inilagay ko ito sa isang aparador na kulay puti. Sarado kasi ang isang aparador na sa tingin ko ay kay Alexa. Matapos ayusin, nahiga na ako sa kama ko at natulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maalala na naman ang mga lalaking 'yon. Bwiset sila! Nakainom na tuloy ako ng dugo ng kung sino o anuman. Tanging dugo ko lang ang nararapat kong masipsip 'no! Ipinikit ko ng tuluyan ang mga mata ko at natulog na.

NAGISING ako ng may marinig akong kumalampag sa kusina. Tiningnan ko ang alarm clock ko at nakita ko na malapit ng mag-five. Tumayo na ako at kinuha ang  towel ko na nakasabit malapit sa aparador. Kinuha ko na rin ang mga toiletries ko at mga gagamitin ko pang iba.

Naglakad ako papunta sa sink para mag-toothbrush. Nakita ko si Alexa na papasok pa lang sa C.R. Lumapit siya sa akin at may iniabot.

"Harriet, sorry kahapon ah. Si Kuya kasi eh....." Parang bata niyang sabi. May iniabot siya sa akin na parang gamot. "Kung hindi pa maganda ang pakiramdam mo, inumin mo 'yan. Inutusan kasi ni Kuya Clark sila Kuya para pag-tripan ka." Agad ko namang inabot ang gamot na ibinigay niya.

"Okay lang. Ituro mo na lang kung sino ang Clark na 'yon. Hahaha." Humanda lang talaga 'yang Clark na 'yon.

"Sige, una muna ako sa C.R. ha." Sabi niya sabay pasok na sa C.R. Tumango na lang ako at nagsimula nang magsepilyo.

Matapos magsepilyo, nagsuklay lang ako at inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Siguro mag-gugupit na muna ako ng buhok. Kinuha ko naman ang gunting ko at tinantiya ang haba na puputulin ko. Mahaba na rin kasi ang buhok ko na hanggang bewang na rin.

"Hey! Bagay ba sa akin ang magpaiksing buhok?!" Tanong ko kay Alexa. Medyo nilakasan ko pa siya kasi baka hindi marinig.

"Don't cut it! Just put a bangs!" Sigaw niya pabalik.

Kinuha ko naman ang suklay ko at inihiwalay ang lalagyan ko ng bangs sa hindi. Nang magustuhan ko na ang dami, sinuklay ko muna ito at saka ginupit. Hanggang sa ilong pa nga ang haba kasi may pagkakulot ang buhok ko. Medyo pinanipisan ko pa ito para mas maganda.

Lumabas na si Alexa sa C.R at ako naman ang pumasok. Naligo lang ako at nagtagal ng halos kalahating oras. Habang nagsasabon, narinig ko na may nag-doorbell sa pinto namin. Isinawalang-bahala ko lang ito at nagpatuloy na. Maya-maya, kumatok naman si Alexa sa pinto.

"Oh!" Pambungad ko dito. Hindi ko pa binubuksan ang pinto kasi may sabon pa ang mga mata ko.

"Uniform natin! Kunin mo na lang sa may upuan sa gilid. Inilagay ko na ang iba pang pares sa kama mo!" Pag-iimporma nito. Tumango lang ako kahit na hindi niya ako nakikita.

Natapos na ako sa paliligo at kinuha ko na ang damit ko. Agad ko itong isinuot at kinuha ko naman ang uniform ko. Isang white long sleeves na may logo ng academy sa may bandang  kanang dibdib. Scarlet naman ang color ng palda na walang pleats. Agad ko itong isinuot at napansin ko na hindi lumampas ang skirt sa tuhod ko. Medyo may katangkaran kasi ako. Lumabas na ako at inalis ang tuwalyang nasa buhok ko. Sinuklay ko lang ito at ibinlower. Nang matuyo na, ibinraid ko lang ito at inilagay sa may side ko. Nakita ko naman si Alexa na nag-aayos ng mukha niya. Lumapit ako sa kaniya at inayos ang pagkaka-lagay ng foundation niya. Ngumiti lang siya ng tipid at inayos naman niya ang bangs ko. Inilaglag naman niya ang mga buhok ko sa may tainga.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now