Kabanata 35

105K 4.2K 2.5K
                                    


Warning: Matured Content! Read at your own risk! If you're a kid/minor please skip the intimate part.

Kabanata 35:

Hindi ko na alam kung paano kami nakapunta sa suite ni Daryl. Pagkatapos ng mga sinabi niya ay parang nakalutang na lang ako at ng hilahin niya ako paalis doon ay nagpahila na lang ako.

Kaagad kong inilibot ang paningin sa loob ng kwarto niya, may malaking kama sa gitna at maliit na sofa set sa gilid at flat screen higit na mas malaki ito kumpara sa akin.

Hinila niya ako papasok, dumeretsyo siya sa banyo habang inililibot ko naman ang paningin sa kaniyang kwarto, nang bumalik siya ay may dala na siyang puting tuwalya na kaagad niyang ibinalot sa katawan ko.

"Maligo ka na muna, baka sipunin ka hahanapan kita ng malinis na damit," wika niya habang tinutuyo pa ang pisngi ko gamit ang dulo ng tuwalya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Apat na araw ka na rin pala rito." Kunot-noong tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi. "I'm just waiting for the right time. I love watching you."

Inismidan ko siya sa sagot niya, kung hindi ko pa siya napansin kanina ay paniguradong hindi pa niya lilitaw.

"Saan ka ba kasi galing?"

"Sa banyo," aniya.

"Tsk, I mean noong nawala ka," medyo inis na wika ko.

"D'yan lang sa gilid-gilid," wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Saan nga? Mahal siguro ginastos mo, walang peklat oh." Tinuro ko ang kaniyang mukha ko.

My heart jumped when he wrapped his arms on my waist, pressing his wet body on mine. Ang init ng katawan niya ay nararamdaman ko pa rin kahit may nakaharang na tela sa pagitan ng aming mga balat.

"I went to Germany, doon ako nagpa-opera. Alam ni Sascha," sabi niya habang inaalis ang ibang buhok ko sa mukha.

"Hmm, yayamanin ka ah," biro ko bahahyang tinampal ang pisngi niya saka balikat. "Sana nagpa-opera ka na sinagad mo na, mukha ni Taehyung o kaya ni Vachirawit Chivaaree." I chuckled.

Kumunot naman ang noo niya, bahagyang tumalim ang tingin. "Who the fuck are they?"

"Hindi mo kilala 'yon." Tumawa ako. "Dapat iyon pinagaya mo para maranasan ko man lang mahalikan ni Taehyung e, edi sana ngayon mukha niya yumayakap sa akin ngayon," pang-aasar ko.

Inismidan niya ako, akala ko ay kakalas siya sa yakap pero pinitik niya lang ang noo ko.

"Sa akin nga swerte ka na, sobra na 'yon. Huwag mangarap," aniya.

"Yabang." Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti.

Tinitigan niya ako sandali bago mag-ibahin ang usapan.

"Are you mad? That... That I left?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa aking mata.

I let a loud breath. "I'm not mad, siguro tampo pero lamang pa rin 'yong tuwa ko kasi nandyan ka na..." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sarili kong sinabi. Damn Nade, mahal na mahal ba?

Tumikhim ako.

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano bang nagawa ko para bigyan ako ng babaeng katulad mo, alam kong hihintayin mo ako pero ang sarap pa rin pala sa pakiramdan na nasa harapan na kita ngayon at sulit 'yong mga araw at buwan na magkalayo tayo," bulong niya habang nakatitig sa labi ko.

I smiled, he want a kiss. I know.

Hinaplos ko ang kaniyang panga. "Ganyan din ang iniisip ko, ano bang ginawa ko para mahalin ako ng ganito? I'm not perfect. I'm too fragile."

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon