Kabanata 14

92.1K 4.2K 757
                                    


Kabanata 14:

Masasabi bang kaduwagan kung pinili mo na lang pigilan ang nararamdaman mo para hindi ka na masaktan ulit? Masasabi bang tanga kung bigyan pa ng isa pang pagkakataon? Hindi ko alam.

Nang sabihin sa akin iyon ni Daryl tatlong araw na ang nakaraan ay kinain ako ng kaba.

What if he didn't mean it? What if he just love the idea of me, liking him too much? That is the hard part, when they know that you love them so much they will take advantage of it until you are exhausted and drained, until there is nothing left for you and that I am afraid of.

Nang sabihin niya iyon sa akin ay halos bumigay na ako, pero hindi ganon kadali iyon.

Mabuti at may pumasok na kasambahay nila sa kusina at kinuha ko iyon pagkakataon para itulak siya palayo, mabilis akong umalis doon sakto naman nasa labas na sila Mommy kasama si Isaiah kaya naka-uwi ako.

Hindi na lang ako ang dapat kong intindihin. Naisipi kong may anak na ako, kung sarili ko lang ang iisipin ko sa desisyon iyon ay baka masaktan ko siya. What if Daryl can't accept my daughter? What if he'll hurt my princess's feeling like Imigo did to us?

I can't let my feelings, I want to dampen the situation.

"Tita Ma'am, after this can we go to national book store?" Gen asked.

Nasa isang cafe shop kami, sinuggest kong minsan ay sa labas naman kami, environment can help kids to learn more, kapag bago sa mata nila mas gaganahan sila mag-aral, saka may iniiwasan ako sa bahay nila.

"Bakit? May bibilhin ka ba?"

Imbes na sumagot siya ay si Rev ang sumagot. "He wants to buy tutorial book po. He wants to learn piano," aniya.

Napaawang ang labi ko, sa batang edad niya ay masaya akong alam na niya ang gusto niyang gawing bagay dahil noon atang nasa edad nila ako, ang gusto ko lang ay umiyak, umiyak hanggang mapaos.

"Marunong akong magpiano, pwede ritang turuan na lang sa susunod," pagprisinta ko.

Kita kong kaagad nagliwanag ang mukha ni Genesis, parang may humaplos sa puso ko doon. I really like them, hindi na sila iba sa akin.

"Talaga po Tita Ma'am? Yes!" Sumuntok pa siya sa hangin bago siya magpatuloy sa kinakain niya dahil tapos na kami sa ginagawa namin kanina.

"How about you Rev, what are your hobbies and interests?"

Ngumuso siya sa akin. "Why po?"

"Hmm, I just want to know."

"Tita Ma'am, Rev love playing basket ball. Aray!" Napatigil si Genesis sa sinasabi ng suntukin siya ng kapatid sa braso. "Masakit 'yon, susumbong kita kay Daddy."

"Bakit mo kasi sinasabi?!"

"Eh nagtatanong si Tita Ma'am."

Inawat ko na sila. "Hey, stop it. Bad ang nag-aaway, paano na lang kapag nakita kayo ng ibang bata oh gagayahin nila kayo." Turo ko sa mas maliliit na bata sa kabilang lamesa.

"Sorry, Tita Ma'am."

"Sorry, T-Tita."

Ngumiti ako, saka bumaling kay Rev. "So gusto mo ng sports? Do you love basketball? Hindi ba kayo naglalaro ng daddy mo? How about sa school mo?" tanong ko.

Sandali pa niya akong tiningnan parang tinatanya niya kung dapat ba niyang sabihin sa akin. "Busy si daddy, minsan lang po kami maglaro."

"Gusto mo maglaro tayo?"

Nakita kong nanlaki ang mata niya. "Do you know how?" manghang tanong niya.

Ngumuso ako dahil hindi ako marunong. "Hindi, pero pag-aaralan ko tapos maglalaro tayo."

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now