Kabanata 8

91.4K 4.6K 604
                                    

Kabanata 8:

"Next time, don't talk to strangers. Don't accept anything, okay?" pangaral ko kay Isaiah.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad niyang kinuwento kila Mommy ang nangyari sa mall, kung paano niya nakuhang bigay ni Tito pogi niya, ni Daryl.

I was shock to see him after years, that's all.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umiwas, siguro ayoko na lang din maglapit ulit ang landas namin, not that I hate him but I think there's no reason for us to talk, like before.

"Mama, he's not a stranger. Nagpakilala na siya sa akin," sagot pa niya.

Napa-hilot ako sa aking noo, paano ko ba ipapaliwanag sa batang ito ang lahat? "Don't do it again, okay?" ipinakita ko sa kaniyang seryoso ako.

Bahagya pa siyang napanguso bago dahan-dahan tumango.

I fixed her bed before I guided her to sleep. "Good night, baby." I whispered then kissed her forehead, antok na matang tiningnan niya ako hanggang makalabas ng kaniyang kwarto.

Nakita ko pang niyakap niya ang kaniyang bagong laruan bago ko tuluyan maisara ang pintuan.

Napabuntong-hininga ako saka pumunta sa sala, naabutan ko doon si Mommy at Daddy na nanunuod ng tv. Sa ngayon ay pansamatala kaming sa bahay nila tumutuloy habang kababalik pa lang namin.

Hindi ko maipagkakailang kita na ang katandaan sa kanilang katawan, si Daddy ay mas lamang na ang puting buhok, tandang-tanda ko pa noong bata ako ay titig pa lang niya ay natatakot na ako, ganoon pa rin naman hanggang ngayon ang pinagkaiba nga lang ay mas maluwag na sila sa akin.

Si Mommy, kung anong ikina-istrikto niya sa akin noong bata ay iyon naman luwag niya sa gusto ni Isaiah, lahat ata ng pwedeng maibigay ay ibibigay sa apo.

Kaya naman bantay ko rin talaga ang anak ko kapag nandito dahil alam kong kaunting hingi lang niya ay ibibigay ng magulang ko.

"How's our ancestral house in Cagayan? Mabuti naman at hindi ka pine-pwerwisyo ni Tito mo?" bungad ni Daddy nang maka-upo ako sa isahang sofa.

"Hindi naman na Dad, 'yong huling punta nila doon ay noong nakaraan taon, wala rin naman sila mahahabol sa bahay doon dahil kay lola pa rin nakapangalan iyon," wika ko.

Tumango-tango si Mommy. Ang bahay kasi na tinutuluyan namin sa Cagayan ay kay Lola, ang kaso ay noong namatay siya'y inaangkin na ng mga nakaka-tandang kapatid ni Daddy dahil papatayuan daw nila ng bigasan kaya naman hindi pumayag si Daddy.

"Nga pala, Nade. Tutal ay bakasyon naman na ay bakit hindi ka na lang muna magtutor? Itong bago kong amiga ay nakwento sa akin na naghahanap sila ng magtuturo sa apo nila habang bakasyon," ganadong wika ni Mommy.

Tiningnan ko lang siya, pakiramdam ko ba'y wala naman na akong choice.

"Mom, gusto ko sana isulit itong bakasyon kasama si Isa at saka—"

"Grenade naman, ilan taon na kayo magkasamang dalawa ng anak mo hindi mo pa sulit? Kami naman ng Daddy mo ngayon bakasyon, ikaw naman tanggapin mo na ang alok ng kaibigan ko at saka isa pa naka-oo na ako sa kaniya sinabi ko pang magaling na guro ang anak ko, abay ipapahiya mo ba ako anak?" madamdamin wika niya.

Tumingin ako kay Daddy para sana humingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang siya sa akin, hinayaan mag-usap kami ni Mommy.

"Oh okay mom, just this vacation ha?" paalala ko sa kaniya, hindi ko pa kasi alam kung magtatagal kami rito sa Pampanga.

"Great, I'll call my friend. Thank you anak," masayang wika ni Mommy saka tumayo dala-dala ang cellphone.

Napanguso ako kay Daddy lalo ng nakangiti siya sa akin. "Still, my princess can't say no. I see," pang-aasar niya.

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon