Kabanata 25

77.8K 3.9K 925
                                    

Music for this chapter:
Surrender by Natalie Taylor

Kabanata 25:

NANG bumalik ang aking malay ay tunog ng air-conditioner kaagad ang aking narinig, sinubukan kong idilat ang aking mata at bahagya pang napa-kunot ang aking noo dahil sa liwanag na tumama sa aking mukha.

Ilang beses akong kumurap, mabigat ang talukap ng aking mata.

Umawang ang aking labi upang maka-hinga ng maluwag, pakiramdam ko'y tuyong-tuyo ang aking lalamunan at labi.

My gaze swivelled over my white bed, the white walls, metal table and plain sofa.

Nasan ba ako? Anong nangyari?

Pakiramdam ko'y umiikot ang aking paningin, medyo malabo pa.  Ibinaling ko ang aking ulo sa kanan, may ilang aparato doon at lamesa. Unti-unting lumilinaw sa akin ang buong kwarto.

Nasa ospital ako?

"Nade! Thanks God you're awake!" Napatingin ako sa nagsalita, si Sascha iyon na kakapasok pa lang sa kwarto kung nasaan ako, kaagad niyang binaba ang dalang plastic sa lamesa saka ako dinaluhan. "Nade, may masakit ba?" tanong niya na buong pag-aalala.

Tumikhim muna ako dahil nahihirapan ako bumuo ng salita. "N-Nauuhaw ako."

"T-Teka kukuha ako ng tubig."

I closed my eyes tightly as I listened to what she is doing. After seconds, I feel her beside my bed, she tapped my hand softly. "Tulog ka ba ulit, Nade? Ito na ang tubig mo," aniya.

Dumilat ako, inalalayan naman niya akong uminom. Napatitig ako sa kisame, ang sakit ng ulo ko. Punyeta.

Gusto ko sanang pumikit ulit at matulog pero parang kidlat na bumalik sa akin ang ala-ala kung bakit ako nasa ospital.

"Y-Yung mga bata? Nasan ang mga bata? Okay lang ba sila? Nakalabas si Rev hindi ba?" I asked her nervously and forced myself to sit on the bed, she quickly grabbed my shoulder to stop me.

Nangilid ang aking luha doon. Bakit ba niya ako pinipigilan? Gusto ko lang makita ang mga bata.

"Nade, ayos lang ang mga bata nasa bahay sila ng lola nila kasama ang asawa ko. Nade thank you so much for saving Gen and Rev, hindi mo alam kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa'yo para sa mga batang iyon. They want to see too, kaya magpagaling ka kaagad. Huwag ka na muna tumayo o gumalaw hindi pa magaling ang paa mo," nag-aalalang wika niya.

Bahagya akong naka-hinga ng maluwag dahil sa sinabi niya pero kaagad din natigilan.

Because of what she said, I looked at my feet. I gasped when I remember something, there was a metal stick on my legs before I lost my conscious.

Pilit kong ginalaw ang aking kaliwang binti, wala akong maramdaman. Nagtatakang tumingin ako kay Sascha. "M-Makaka-lakad pa naman ako hindi ba?" kinakabahan tanong ko sa kaniya, iyon kaagad ang una kong naisip.

She nodded. "Oo naman Nade, madaming anesthesia ang ginamit sa'yo kaya siguro hanggang ngayon ay hindi mo pa mararamdaman ang sakit. Maswerte ka't hindi sa buto mo tumagos ang bakal, sa laman lang," mahinahong wika niya, hinimas niya ang aking braso.

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad.

I inhaled to relax my mind. Thanks God I'm still alive.

"Ilang oras akong tulog?" mahinang tanong ko habang tinititigan ang paa kong may cast. Kita kong may ilang pasa, paso at sugat ako sa iba't-ibang parte ng katawan pero hindi ko naman maramdaman.

She sighed. "Magdalawang araw na. Sobrang napagod kasi ang katawan mo kaya wala kang malay ng madaming oras."

Hindi ako nakapag-salita.

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon