Kabanata 11

88.8K 4.6K 2.2K
                                    


Kabanata 11:

Isang linggo na akong tutor ng kaniyang mga anak. Sa loob ng mga araw na 'yon ay naging ganon ang sitwasyon namin, sa tuwing dadating ako ay naaabutan ko na si Daryl sa library at may ginagawa.

Nag-uusap naman kami pero madalang lalo kapag nandoon ang mga bata. Hindi ako nagtanong kung bakit hindi siya sa opisina niya nagta-trabaho, siguro nga ay kagaya ng sabi niya sa mga anak ay gusto labg niya bantayan ang mga ito.

Sa lumipas na araw ay nalaman ko rin wala silang katulong, ang sabi ni Genesis ay buntis ang dati nilang kasama sa bahay at pinauwi na ng Daddy nila bago pa manganak.

I also noticed that Daryl can't cook, sa lumipas na araw ay kung kung hindi sila oorder ay padalang pagkain ng mama niya ang kakainin nila. Dalawang beses na akong naabutan ng tanghalian sa kanila at wala akong nagawa kung hindi magluto na nagustuhan naman ng mga bata, hindi ko nga lang alam kay Daryl.

Hapon na nang makarating ako sa kanilang bahay, hindi kagaya ng mga nakaraan araw ay hapon ang pagtutor ko sa kanila ngayon dahil pumunta silang school kaninang umaga para may ayusin.

"We're done on two digits addition, we'll try adding three digits okay?" paliwanag ko sa dalawang bata habang pinapakita ang sinagutan nila, ngayon araw ay math ang gusto nilang matutunan.

Ang totoo ay wala akong sinusunod na syllabus sa kanila, basta kung ano 'yong mga gusto nilang malaman ay iyon lang ang tinuturo ko, kahit paunti-unti.

Naisip ko ang aking anak, hindi pa niya gaano gamay ang three digits. Nakakatuwang makitang ganadong-ganado sila sa lahat ng tinuturo ko, iyon naman ang masaya sa pagtuturo, kapag alam mong nakikinig at may natututunan ang istudyante mo. Iba naman kasi 'yong nakikinig nga pero wala naman natututunan.

"Ang hirap Tita Ma'am," komento ni Gen habang nagsasagot. Napangiti ako dahil bahagya pang lumobo ang pisngi niyang matambok.

Lumapit ako sa ginulo ang kaniyang buhok. "Huwag ka matakot magsagot."

"What if I'm wrong?" Nakasimangot na tanong niya.

"There's nothing wrong if you failed, kung magkamali ka ng isang beses ay ayos lang ang masama ay nagkamali ka na at paulit-ulit mo pang ulitin iyon."

Nagtama ang mata namin ni Daryl, nakita kong seryoso niyang mata tapos ay bumalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.

Nakikinig ba siya?

"I'll help you," buong pagmamalaking wika ni Rev sa kakambal.

Hinayaan ko muna silang magsagot, may halos isang oras pa naman kami kaya habang busy pa silang nagsasagot ay wala sa sariling lumapit ako sa lamesa ni Daryl.

Ito ang unang beses na lumapit ako doon, umupo ako sa isang upuan sa harap ng kaniyang table, sa visitor's chair.

"Daryl what's your job? I mean, alam kong humahawak ka ng business ng tito mo pero anong business?" buong koryosidad na tanong ko.

I watched him, mabilis ang kaniyang mga daliri sa pagsundot sa kaniyang laptop, bahagya siyang tumigil sa ginagawa.

"We're in a toy industry, we manufactures different kind of toys. We have brances all over the country, but our main branch is in Japan," kalmadong wika niya saka tuluyan umangat ang tingin sa akin.

Marahan akong tumango, masaya ka na ba Daryl?

"That's good, mabuti pala at pwede ka sa bahay lang, mababantayan mo ang mga bata," sa huli'y nasabi ko.

"Yea, I want to see them, always," wika niya habang nakatitig sa akin, bahagyang kumunot ang noo ko doon pero binalewala ko na.

May mga tao talagang ganoon, 'yong tingin pa lang nila ay nakaka-intimida na.

Imbes na magtanong pa ay inabala ko na lang ang aking sarili sa pagpindot sa aking cellphone, hinayaan ko na siyang tapusin ang kaniyang ginagawa.

I raked my fingers through my hair, why are you looking Daryl? Why don't you just continue what you are doing? Damn, do I need to stand up? Parang mas awkward kung tatalikod ako, baka mahalata niyang naiilang ako.

Huminga ako ng malalim saka nagsimulang laruin ang isang laro sa cellphone ko na madalas laruin ni Isaiah.

Snake Zone.

Nagsisimula muna sa maliit ang ahas sa laro at habang patagal nang patagal ay lalaki na ito habang kumakain, hanggat naiiwasan ang mga kapwa nila para hindi sila mamatay.

I actually don't know how played this game, isang beses ay wala lang makalaro si Isaiah kaya tinuruan niya ako at nagpataasan kami ng scores.

Kinagat ko ang aking labi habang nakakaramdam ako ng excitement sa laro, unti-unti nang lumalaki kaya mas lalong lumalaki rin ang posibilidad na mamatay na ang ahas.

"Kainis," bulong ko nang tuluyan tumama ang aking ahas sa kapwa ahas nito at tuluyan namatay.

"What are you playing?"

Halos mapaigtad ako nang may magsalita sa aking likuran, nahigit ko ang aking hininga nang mapagtantong nakatayo na si Daryl sa likuran ko. Kaagad kong nilingon ang mga bata, naka-hinga ako ng maluwag nang makitang abala ang mga ito sa pagsagot at bahagyang malayo sa amin.

"What is that?" tanong ni Daryl.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa sandalan ng aking upuan kaya mas tumuwid ako ng upo, natatakot na dumikit ang kamay niya sa akin.

"S-Snake Zone." I answered him.

Pinigilan kong manginig ang aking kamay, sinubukan kong ipakita sa kaniya ang screen ng cellphone ko. Nagtama ang mata namin sa salamin sa aking harapan, pintuan iyon ng isang estante doon na saktong pwedeng makita ang repleksyon namin.

"How will I play that?" he asked me, he titled his head, looking amused.

Tumikhim ako. "Ahm, just hold your snake a-and play until it grow." I answered him, hesitantly.

Hindi niya inaalis ang tingin sa akin sa salamin kaya pilit ko iyon nilabanan. What the hell are you doing, Daryl?

He ran his fingers through his hair, messing it up a little. His eyes held a glint of something I couldn't decipher.

"Hmm. That's easy. I know a play too, same like that. Lalaruin mo lang din 'yong ahas, hahawakan mo lang tapos hihintayin mong lumaki," his voice sent a shiver down my spine.

"R-Really? Where can I download that game? Meron ba sa playstore?" I finally said nervously. The butterfly in my stomach turned into an eagles, making me feel sick.

Come on, Nade. Not again please.

He laughed loudly, even his laughter was sexy.  "You can download that on Pantstore. Don't worry we will play that soon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya bago niya ako talikuran at bumalik sa kaniyang ginagawa.

What? Anong laro 'yon?

***

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now