Kabanata 17

83.1K 3.9K 870
                                    


Kabanata 17:

"Ugh! Ang tanga naman Nade, bakit mo nakalimutan?" inis na wika ko sa harap ng salamin habang sinisipat ang aking kili-kili.

Napabuntong-hininga ako. Masiyado kasing busy nitong mga nakaraan araw. How I forgot to wax the hair on my armpit?

Tapos na kaming kumain ni Daryl ng almusal, dapat ay bababa na kami at maliligo sa dagat ang kaso magpapalit dapat ako ng damit nang nakita ko ang magubat kong kili-kili.

Okay, that's exaggeration.

Hindi naman sexy ang susuotin ko, sando at shorts lang, pangbasa. Alangan naman mag jeans at blouse ako doon? Gusto ko sana mag tshirt na lang pero wala akong baon. Blouse, boho dress at isang longsleeve lang ang dala ko na damit pauwi namin.

Hindi naman kasi magtatagal, isang gabi lang kami at bukas ay uuwi na kami.

Kinalkal ko ang dala kong maliit na pouch, napangiti ako nang makita ang tweezer ko doon. Ginagamit ko lang iyon sa kilay pero mukhang magagamit ko na sa kili-kili ngayon.

Sinimulan kong magtagal, naka-taas ang aking kamay habang naka-tapis ako ng tuwalya. Makalipas ang ilang minuto ay mariin akong napapikit dahil nahihilo ako sa pinaggagawa ko.

Ang hirap!

Kaya nagpapa-wax ako dahil ayoko magkaduling-duling sa ganito.

"Nade? Are you okay?"

Napaigtad ako nang kumatok si Daryl sa banyo.

"Yes, I'm fine. Sandali lang," sigaw ko balik.

"Why are you taking so long?"

Napabuntong-hininga ako, mukhang naiinip na siya. Eh kung huwag na kaya akong maligo? Ang kaso ay iyon naman talaga ang pinunta namin dito at ayokong sirain iyon dahil lang sa kili-kili ko.

Binuksan ko ang pintuan, sapat lang para makita ko siya. Nakasuot siya ng isang short at sando, hindi ko maiwasan mamangha sa kaniyang braso.

Parang noong college kami ay payatot lang siya.

Tumikhim ako, pilit tinatago ang katawan sa likod ng pintuan. Kumunot ang kaniyang noo sa ginagawa ko.

"Ano bang problema? Masakit tiyan mo?" tanong niya.

Umiling ako, nahihiya akong sabihin sa kaniya. Jusko!

"A-Ahm ano kasi... nagtatanggal ako ng buhok," utal na usal ko habang naka-silip sa kaniya sa labas.

Mas sumingkit ang masungit niyang mata. "Buhok saan?" inosenteng aniya.

Halos mabulunan ako sa aking sariling laway dahil doon. Saan pa ba? "To my armpit, I forgot to wax," napapahiyang pag-amin ko sabay pakita ng tweezer sa kaniya.

Bahagya siyang napanguso saka nilahad ang kamay sa akin. "Labas ka dyan, patingin."

Nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi, halos isara ko ang pintuan para pigilan siya. Is he crazy? Bakit naman niya titingnan? Hindi ba siya na tu-turn off?

"A-Ayoko!"

Imbes na sundin ako ay niluwagan niya ang bukas ng pintuan at kinuha ako sa loob. Hinila niya ako papunta sa kama, halos ibaon ko ang aking mukha sa sahig sa sobrang hiya.

For pete's sake, naka-tuwalya lang ako at wala akong kahit ano sa ilalim nito!

"Lay down," utos niya.

Niyakap ko ang aking sarili at gulat na napatingin sa kaniya. "A-Anong gagawin mo?" gulat na wika ko.

Pinitik niya ang aking noo. "Baliw. Higa ka tapos taas mo kamay mo, ako magtanggal para hindi ka mahirapan," balewalang wika niya.

Hindi ako makagalaw, hindi ko pa maiproseso ang gusto niyang mangyari. Pinanuod ko siyang buksan ang ilaw para mas lumiwanag ang kwarto.

Napasimangot pa siya pagharap niya at makita akong hindi gumalaw. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko't siya mismo ang naghiga sa akin halos hindi ako huminga sa lapit namin.

Umupo siya sa sahig saka walang hiyang itinaas ang aking kamay.

"Daryl!" Pilit ko iyon binaba dahil nahihiya ako.

Kinuha niya ang kumot at ibinalot iyon sa akin hanggang sa dibdib.

"Don't move, baby come on."

Kahit nahihiya ay hinayaan ko na siya, kagat ko ang aking labi napatitig sa kisameng salamin. Nakikita ko ang repleksyon namin, hindi ko maiwasan mamangha sa kaniya para bang ilang beses na niya itong ginawa.

"Tell me if I hurt you huh?" he said and start pulling small hair.

Tiningnan ko siya, seryoso ang kaniyang mukha habang nagtatanggal ng buhok na para bang nasa isang business meeting siya't kailangan niyang magseryoso.

"How did you know this? Ginaganto mo rin si Genvery?" gusto kong magpasalamat sa bathala na hindi ako pumiyok ng sabihin ang pangalan na iyon.

"Hindi ko naman na ganito si Genvery. And this is basic, isang way lang naman para matanggal ang nakakabit, hugutin," makahulugan wika niya.

Pinag-aralan ko ang emosyon niya, wala naman ako makitang kakaiba habang sinasabi niya ang pangalan ng ex niya. Naka-move on na ba siya? Iba kasi iyon, namatay ang babae kaya lang ito nawala sa kaniya hindi katulad namin ni Imigo na naghiwalay talaga. Naiisip ko na kung hindi namatay si Genvery ay magkasama pa rin kaya sila? Babalik kaya siya rito sa Pilipinas o nadagdagan na siguro ang anak nila?

Napakurap-kurap ako ng dampian ako ni Daryl ng halik sa labi, mabilis lang iyon pero parang binuhay ang mga natutulog kong dugo.

"What are you thinking huh, my Nade?" aniya saka bumalik sa ginagawa.

Ngumiti ako saka umiling. "Hindi ka ba natu-turn off sa akin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Why would I?" inosenteng tanong niya.

"Because I have hair on my armpit. Other men, disgusted about this." I pointed out.

He took a few seconds to reply. "Hair in our body is natural. Armpit hair ease from skin-skin friction, and thus irritation. Dark skin, hair, stretch marks are natural, baby. Even your vagina has natural smell, walang dapat ikahiya doon, ang mga lalaking hindi nakaka-intindi sa bagay na 'yon ang dapat mahiya," Daryl explained.

Lumamlam ang aking mata habang nagsasalita siya, pakiramdam ko'y habang tumatagal ay mas nahuhulog ako sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang nakatitig ako sa kaniya. "Ba't ganyan ka maka-tingin? Naga-gwapuhan ka na ba sa akin?" biro niya.

Tumango ako, gamit ang isa kong kamay na hindi nakataas ay hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "I'm so lucky that I have you."

Napangiti siya sa sinabi ko, dumukwang siya upang halikan ako sa noo, hinimas niya ang aking buhok.

"Sorry, for taking so long to realize that it's you, that it always be you," he whispered.

***

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now