Kabanata 23

79.7K 3.6K 1.7K
                                    


Kabanata 23:

"Mama you want ice cream too?" I looked at Isaiah when she handed me the ice cream she was eating. I gave her a frugal smile before wiping the edge of her lip.

"Nope, busog pa ako anak sige na ubusin mo na iyan," sabi ko sa kaniya. Malaki ang kaniyang ngiti at may kakaibang kinang sa kaniyang mata na ngayon ko lang nakita.

Isang linggo na simula ng ipakilala ko si Eugene sa akin anak at simula no'n ay araw-araw na siyang bumisita.

Kahit ayoko man sumama ay kailangan dahil hindi ko naman maipagkatiwala ng lubusan si Isaiah kay Eugene. Lalo't alam ko ang nangyari sa kapatid niya, hindi ko pa rin talaga matanggap hanggang ngayon at kung alam ko lang na mapapabayaan ang bata sa puder niya ay sana ay hindi ko na lang ibinigay sa kanila.

Sa lumipas na araw ay nalaman ko rin na hindi naman talaga magpinsan si Daryl at Eugene, dahil nga anak si Daryl sa ibang lalaki. Ang totoong pinsan ni Eugene ay ang ate ni Daryl, naka-base siya sa ibang bansa kaya naman ng umuwi siya rito sa Pilipinas ay bahay ng ina ni Daryl siya tumuloy.

Napabuntong-hininga ako ng maalala si Daryl, maayos naman ang pakikitungo niya sa amin. Sa katunayan ay nitong mga nakaraan araw ay doon na kami natutulog sa kaniyang bahay.

Nothing has changed, but something seems strange.

Pakiramdam ko'y ang lapit-lapit namin pero ang layo ng loob niya, pakiramdam ko rin ay lumalayo siya sa anak ko.

I back to my senses when someone hold my hand. I looked at Eugene, he's smiling at me.

Mabilis kong inagaw ang aking kamay sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.

Ngayon araw ay nasa labas kami, inaya niya kasing mamasyal si Isaiah at sumama ako dahil hindi ko naman pwedeng pabayaan ang anak ko sa kaniya at ayoko rin naman tumanggi dahil nakita ko kung paano ka-excited si Isaiah sa sinabi niya kagabi.

"Kanina ka pa kinakausap ng anak natin, tulala ka," wika niya.

Kaagad nagsalubong ang aking noo sa salitang ginamit niya. Anak namin? Masakit sa tainga kahit pa nga totoo.

Tumikhim ako at imbes na sagutin siya ay ang anak ko ang kinausap ko. "Ano 'yon Isa?"

"Mama sabi ko pagkatapos nito pumunta tayo doon oh, I wanna try that rides too, daddy told me that he wants to try rin naman. Please," nagpa-cute pa siya habang tinuturo ang isang rides sa malayo.

Hinimas ko ang kaniyang buhok. Makaka-tanggi ba naman ako sayo?

"Sure sige, tara."

"Yes!" sabay nilang wika ni Eugene saka sila nag-apir.

Tumayo na sila, kinuha ko naman ang cellphone ko para i-text si Daryl dahil nag-aaya siyang magdinner sa labas kaninang umaga, pumayag ako dahil akala ko'y maaga kaming makaka-uwi.

Nakita ko ang ilang niyang text.

'When are you going home? I'll fetch you at five.'

'I missed you, doll face. Nakakainis ang daming problema sa shipping sorry medyo busy.'

'Kumain na kayo ni Isa?'

'Hope you're fine. Kinda missed both of you.'

'Baby, four pm na. I'll gonna sign something then I'll get you at home, okay?'

'Wear something comfortable, I love you.'

Kinagat ko ang aking ibabang labi sa dami ng text niyang hindi ko na-replyan. Sampong minuto na lang bago mag-alasingko.

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now