Kabanata 1

129K 6K 2.4K
                                    


Kabanata 1:

Don't get attached easily. That's my number one rule. It's a trap, trusting and investing in someone is like caging yourself.

I'm scared to fall in love. Scared of commitment. Scared that I'll give everything until there's nothing left to me. The last time I did, I just turned myself into pieces and until now I haven't healed. I don't know if I can love and trust the way I did before.

Hindi ko maiwasan matawa dahil sa naiisip ko habang binabasa ang mga portfolio ng estudyante ko. May isang pahina roon na tungkol sa pagmamahal.

It's refreshing that they are pure and innocent about that thing, kapag nasaktan na sila ng totoo ay paniguradong mababago ang pananaw nila tungkol sa bagay na iyon.

Iniayos ko ang aking salamin habang pumipirma sa mga portfolio, bahagya kong sinulyapan ang dalawang estudyante na kanina pa nagbubulungan sa gilid ng aking lamesa. Oh kids, they think that I can't hear them.

"Ikaw na kasi magtanong," bulong ng isang babae sa kasama niya.

Binagalan ko ang aking pagpirma sa ibang portfolio para bigyan sila ng pagkakataon upang magbulungan pa.

"Ikaw na lang sabi mo sasamahan lang kita e, masungit ata si Ma'am Nade," wika pa ng isa.

"Hindi 'yan!"

Hindi ko maiwasan mapangiti nang palihim, I remember my high school days. Good for them that they have friends, while me? I went to school and eat at the canteen, alone. Mabuti sila at may naging kaibigan samantalang ako noon, masaya na kung may kumausap at nangyayari lang iyon noon kapag may nangongopya sa akin o humihingi ng sagot.

Ngayon ay naisip kong isa iyon sa dahilan kung bakit ako nagpursigi rin sa pag-aaral, kung bakit gusto kong may posisyon sa loob ng klase namin, dahil iyon lang ang nakikita kong paraan upang magkaruon ako ng kaibigan, doon lang nila ako lalapitan.

Well, that's life. Kilala ka lang nila, kapag may kailangan sila.

"Here, ask your classmate if they finished the activity," paalala ko sa kanila dahil ang ilan ay alam kong hindi pa nakapagpasa.

"M-Ma'am may itatanong daw po siya." Nagsamaan sila ng tingin dalawa bago naiilang na ngumiti.

"Ma'am tanong ko lang po kung may asawa na po ba kayo?" bahagya akong natigilan sa tanong niya.

Hindi ko inalis ang aking ngiti sa labi.

"Bakit mo naman natanong?" kalmado kong usal.

Napakamot siya sa kanyang batok animong nahihiya ng magsabi. "E kasi Ma'am may project po kami sa isang subject namin, kailangan mag-interview ng may asawa ng may Profession. Hehe, akala ko po may asawa na po kayo, mas madali po kasi kayo lapitan nahihiya po ako sa iba," mahabang paliwanag niya.

Napatango-tango ako. Sakto naman ay pumasok ang katrabaho ko at dumiretso sa lamesa niya saka uminom ng tubig, itinuro ko siya sa dalawa.

"Ayan si Ma'am Lisa, tanungin niyo may asawa na 'yan." Nakangiting usal ko saka tumayo.

Gulat na napalingon si Lisa sa akin, nabuga ang tubig sa bibig niya. Pinandilatan niya ako pero nagkibit-balikat lang ako at sinenyasan ko siyang mauuna na ako.

It's not that, I don't like that topic, maybe I'm avoiding because I know what they will ask more. Bakit wala? Bakit ganito? Bakit ganyan?

Nag-log out muna ako bago dumiretso ako sa aking kotse na nakaparada sa bungad ng school na pinagtatrabahuhan ko.

Dumaan muna ako sa isang mini store sa malapit para may maiuwi man lang akong pagkain.

"Ate, how much is this po?" tanong ko sa tindera saka tinuro ang friend siomai na nasa stool.

"Thirty five, tatlong piraso mam," sabit niya.

"Sige ate, tatlong order." Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi ko, ang totoo ay doon ako sa kabila lagi bumibili pero dahil sarado ay dito na lang. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya ito, maarte pa naman ang panlasa niya.

Sana lang ay hindi niya mahalata na sa iba ko 'to binili.

Habang nasa gano'n akong posisyon ay tumunog ang aking phone.

Bahagya akong ngumiti sa tindera dahil sobrang lakas ng ringtone ko, bahagyang kumunot ang aking noo ng makitang si Kevin iyon, ang fiancé ni Lisa.

"Hey, Kevs," bati ko.

"Girl, ready your gown bukas." Humalakhak siya, narinig ko ang mas malakas na tawa ni Lisa sa background, mukhang magkasama na sila.

"Bakit may ano?" tanong ko, sakto naman dumating ang aking order, nagbayad ako saka kinuha iyon. "Thank you po, Ate."

"Welcome Ma'am, balik po kayo."

Tumango ako saka naglakad na pabalik sa kotse. "Nasaan ka nyan?" usisa ni Lisa, paniguradong inagaw na niya ang phone.

"Nasa store, pauwi na. Bakit ba? Anong meron?" takang tanong ko.

Hindi muna ako pumasok sa kotse.

"Basta magpaganda ka bukas, hindi tayo papasok," ganadong usal niya.

Napangiwi ako nang maghagikgikan silang dalawa sa kabilang linya. I can clearly imagine they grin, kung nandoon ako ay paniguradong pinaghahampas na ako ng dalawa.

"What? Hindi puwede kasi may gagawin kami ng grade ten saka bawal-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng magsalita siya.

"Oh okay, hindi ka naman namin pipilitin, pupunta lang naman kami sa bahay ni Daryl, 'yon lang naman 'yon hehe sige ayos lang kami na lang ni Kevin, Nade."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Napa-sandal ako sa aking kotse, nakauwi na sila? Kailan? I could hear my own heartbeat. I held my breath, as I looked around trying to lessen my nervousness.

"Woy! Nade nandyan ka pa ba? Nangisay na 'to babe e." narinig kong bulong ni Lisa kay Kevin.

Tumikhim ako. "W-What time?"

"Four in the afternoon tayo aalis, para makarating tayo doon ng dinner. Bye Nade, suotin mo 'yong lingerie na bigay ko, bye mwuah!"

Mariin akong napapikit sa tinuran ni Lisa, alam nilang dalawa kung anong nararamdaman ko kay Daryl noong nag-aaral kami, they knew that I liked him. That's it! Bukod doon ay wala na silang alam.

Bumuntonghininga ako bago tuluyan ng umuwi.

Nang makarating ako sa tinutuluyan kong bahay ay bukas na ang mga ilaw. Ngumiti ako kay Nay Loli nang salubungin niya ako, ang kasambahay na kasama ko sa bahay.

Kinuha niya ang dala kong bag. "Magandang hapon, Nade ang aga mo ata ah," puna niya.

Ngumiti ako kay Nay Loli. "Good afternoon po, Nay. Opo, medyo maaga pong natapos saka may dala po akong siomai paki-lipat naman po sa lalagyan," paki-suyo ko na kaagad naman niyang sinunod.

Nang makapasok siya sa kusina ay umupo ako sa sofa saka lumingon sa hagdanan. Ano kayang ginagawa niya?

"Isa!" tawag ko.

Walang sumagot.

"Isaiah!" ulit na tawag ko.

Maya-maya ay nakarinig na ako ng yabag at tumatakbong bumaba siya sa hagdanan.

"Isaiah, huwag kang tumakbo baka mahulog ka," saway ko sa kanya nang makalapit siya sa akin, ini-ayos ko ang ilang tikas ng buhok na tumatabing sa kanyang maamong mukha.

Naglalambing na niyakap niya ako sa beywang.

"I'm sorry, mama. I miss you."

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon