Kabanata 20

86.5K 4.2K 1.3K
                                    


Kabanata 20:

"Kuya Rev! Kuya Gen, doon tayo dali!" sigaw ni Isa habang hinihila ang kambal. I can't stop myself from smiling while looking at them. One week after we told them about us.

Aaminin kong hindi naging madali kay Isaiah, iyak siya nang iyak nang ipaliwanag namin noong gabi na 'yon na boyfriend ko si Daryl at hindi siya ang totoo niyang ama.

Hindi ko alam kung ilang oras umiyak si Isa noon gabi na 'yon kung hindi siya dinala ni Daryl sa kwarto at pinatulog ay hindi pa siya tatahan.

Naramdaman ko ang braso ni Daryl na umakbay sa akin, hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking balikat saka kami naglakad upang sundan ang mga bata.

Nasa mall kami ngayon, ang totoo ay sinundo kami ng mag-aama pagkagaling namin ni Isaiah sa kasal ni Imigo, nagulat na lang ako ng tumatawag na si Daryl hindi pa man tapos ang kasal at sinabing susunduin na kami.

"I like this..." ani Daryl. "Tayo kasama ang mga bata, walang problema."

Hindi ko alam kung imbes mangiti ay kinabahan ako sa sinabi niya. Ayokong maniwala sa mga pamahiin pero ang sabi ng matatanda ay pagkatapos ng saya ay sunod ay pighati at natatakot akong matapos ang kung meron sa amin.

"Masaya ka ba?"

Nilingon ko siya habang naglalakad kami. "Oo naman, ngayon ko lang din nakitang masaya ang anak ko ng ganito. Natatakot akong baka masaktan siya."

"Kami na ngayon ang pamilya niyo ni Isaiah. Hindi ko naman hahayaan masaktan kayo, nang tanggapin kong gusto kita ay tinanggap ko rin lahat ng sa'yo," bulong niya sa akin tainga at bahagyang pinisil ang braso ko.

"Bolero."

Tumingala ako sa mataas na ferris wheel na gustong sakyan noon ni Isaiah noong kakarating lang ulit namin ng Pampanga.

"Kuya, ilan po sa isa?" tukoy ko sa isang set ng upuan.

"Nako, isa hanggang apat lang po," sabi ng lalaking nagba-bantay.

Nagkatinginan kami ni Daryl, halatang excited si Isaiah at Genesis habang si Rev ay naka-seryoso lang na nagmamasid sa paligid.

"Ano na lang, kayo na lang apat maiwan na lang ako rito," suwestyon ko.

"Mama minsan lang po 'to, sakay na kayo ni Tito Daddy tapos kami naman nila kuya magkakasama, 'di ba?" Siniko pa ng anak ko si Genesis.

"Hah?" takang tanong ni Gen.

"Yup, babantayan ko silang dalawa. Kaya na namin. Tara na nga!" biglang aya ni Rev at nagpatiuna na.

Napatalon si Isa na sumunod sa kambal, natakot ako dahil baka mahulog sila pero ng masigurado kong naka-close at ligtas ang sasakyan nila ay bahagya akong nakahinga ng maluwag.

Kumaway ang aking anak sa akin nang dahan-dahan na silang tumataas.

"Mamser, kayo po?" tanong ng bantay.

"Let's try?" ani Daryl sabay hawak sa siko ko't inalalayan akong sumakay.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil unang beses lang ako nakasakay sa ganito. Magkaharap kami ni Daryl, dahil matangkad siya at mahaba ang mga binti ay halos ikulong na niya ako sa kaniyang gitna habang magkaharap kami.

Hinawakan niya ang aking kamay.

"Natatakot ka ba?"

"Sinong hindi matatakot baka mahulog tayo!" Pinandilatan ko siya pero ngumisi lang siya sa akin.

"Hindi 'yan saka sasaluhin kita kapag nahulog ka."

"Tsk, paano mo ako sasaluhin e parehas tayong nandito," inis na wika ko at pilit na binabawi ang aking kamay sa kaniya.

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now