Kabanata 2

109K 5.2K 1.8K
                                    

I just wanna say na kung nabasa niyo po 'yong 'Teach Me, Sir' ito na po 'yong time na binisita nila sila Sascha at Daryl sa bahay. If hindi niyo pa nababasa story na 'yon mas okay sana if mabasa niyo para may background kayo kung sino ba 'yong bida rito. Pero hindi naman maaapektuhan 'yong flow kahit hindi niyo basahin. Anyway, enjoy.


Kabanata 2:

Pinanuod kong maganang kumain ng siomai ang anak kong apat na taon na. Her long hair is covering some part of her face, I smiled because of that. Kinuha ko ang ponytail sa akin pulso saka inipon ang kanyang buhok upang mas makakain siya nang maayos.

"Mama, ibang lasa nito." Turo niya sa pagkain.

"Sa ibang store ko kasi iyan binili, is it bad or good?" Hindi naman kasi ako mahilig sa gano'n pagkain.

Hindi ko alam kung saan ba 'tong bata na 'to nagmana.

Ang singkit na mata ni Isaiah ay mas lalong sumingkit nang ngumiti siya. "Masarap syempre Mama, but I think it has different flavor."

Tumango-tango na lang ko sa sinabi niya, pati ba naman 'yon napansin?

I stared at her for a moment before sighing. I don't want to leave her tomorrow but I need to.

"Tomorrow morning, I'll send you to grandma 'kay?" Hinimas ko ang kanyang likod upang tingnan kung nandoon ang bimpo niya.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya. Tinapos niya ang pagnguya bago magsalita. "Why Mama?"

"I might be late tomorrow, may pupuntahan kasi ako. Mommy had a friend in college, right? Umuwi na sila," kwento ko sa kanya.

Isaiah looked at me with her innocent eyes.

"Okay po."

I tapped her head, I wish I can give and tell you everything you deserves.
           

༺❀༻

           Napabuntonghininga ako nang huminto sa tapat ng isang kulay puting bahay ang kotseng sinasakyan namin nila Lisa. Nag-isang sasakyan na lang kami gamit ang kotse ni Kevin. Inayos ko ang aking suot na salamin nang makababa kami, alam kong sinusulyapan nila akong dalawa pero nagkunwari akong tinitingnan ang bahay sa harap.

Nagsisikuhan pa sila animong nagtatalo kung sino ang unang magsasalita.

"Kinakabahan ako," wika ni Lisa sabay kapit sa braso ng kasintahan.

Nang bumukas ang pintuan ay kaagad dumapo ang aking tingin sa lalaking iyon habang hawak niya ang kanyang asawa.

He looked matured, I noticed his spiky quiff hair.

I forced myself to smile at them, I'm happy that they're finally home after almost six years.

"Nade!"

Tuluyan akong naiyak nang yakapin ako ni Sascha, I hugged her so tight. I'm really proud of this girl because I knew what's her story. Sobra-sobra rin ang pinagdaanan ng babaeng ito kaya masaya ako na ngayon ay nasa kamay na siya ng taong alam kong aalagaan siya nang husto.

"Namiss ko kayo!" she whispered on me.

"I'm happy that you're okay now," I sincerely said to her.

Nang maghiwalay kami at humupa ang iyakan ay naupo na kami sa kanilang sofa. Malaki ang bahay pero kaunti pa lang ang gamit, siguro nga dahil kakauwi pa lang nila.

Itinuon ko ang aking atensyon kay Sascha habang kausap niya sila Lisa, hindi ako gumalaw dahil alam kong may isang pares ng mata na nakatingin sa akin.

Teach Me Again (Teach Series #2)Where stories live. Discover now