Chapter 17

11.9K 564 98
                                    

INTERPLAY

Chapter 17

He never thought that this is going to be hard. Now, it is Emiliana who’s avoiding him like he’s the fucking plague. Sa tuwing pumupunta siya sa gallery ay wala ito. May bago na ring empleyado roon na hindi niya kilala at sa tuwing darating siya ay sinasabi sa kanya ng assistant nito na wala ito.

Maski maghintay siya sa labas ng gallery ay hindi niya makita ni –anino ni Mia. Sa bahay naman nito ay hindi na siya pinapapasok ng guard ng village. Turns out his Emiliana is good at hiding.

He fucking misses her.

“Hey …” Bati niya kay Karen at Stephanie na nasa break room. Mukhang nag e –enjoy ang dalawa sa paggawa ng kape dahil napilit ng mga ito si Tom na bumili ng espresso machine. Sawa na raw kasi ang mga ito sa black coffee.

“Do you want a latte, Wes?” Tanong ni Stephanie sa kanya.

“No, thanks. But I have a question for you guys.” Sabi niya at hinila ang upuan sa harapan ng dalawa.

“Shoot.” Muling sagot ni Stephanie habang si Karen ay busy sa pagkuha ng picture sa ginawa nitong latte.

“You guys use Instagram, right?”

“Yes, why?” Sagot ulit ni Stephanie.

“Look up Mia for me, please.” Deretsong sabi niya.

“Oh, ‘yung girlfriend mo? Bakit? LQ ba kayo?” Tanong ni Karen pero nananatiling sa cellphone at sa kape nakatutok ang atensyon.

“On it.” Sagot naman ni Stephanie at kinuha sa bulsa ang cellphone.

“Yeah, we had a misunderstanding.”

“Ano ngang full name niya?” Tanong ni Steph.

“Mia, Emiliana Bonasera.” Sagot niya at nag type si Stephanie.

“Oh my gosh, her profile is so aesthetic!” Sabi nito. Tumigil naman si Karen sa pagkuha ng picture sa latte niya at tumingin din sa screen ng cellphone ni Stephanie. Kumunot ang noo niya.

“Let me see.” Sabi niya pero inilayo nito ang cellphone sa kanya.

“Wait lang, stalk ko muna saglit.” Sabi nito.

“Come on, let me see.”

“She’s in New York.” Sabi ni Karen.

“What?” Kunot noong tanong niya.

“New York, nag post siya ng picture two hours ago, sa Time Square ang location.” Sabi nito.

“Hey, nag Baguio kayo? Siya ang kasama mo sa bakasyon mo noong nakaraan?” Sabi ni Stephanie at iniharap sa kanya ang cellphone. It was a selfie in the coffee shop they visited. Sa background ay nahagip siya habang nakatayo siya sa may counter.

“Did she post a picture with me?” He asked.

Muling tiningnan ni Stephanie ang cellphone at tumaas ang kilay nito.

“Sorry, Wes pero wala.”

“Damn it, and now she’s in New York? No wonder she’s not picking up.”

“Hey, kasama ka rin niya sa Bataan months ago!” Sabi ni Stephanie. Gaya ng picture sa Baguio ay kita lang din siya sa background. Hindi siya nag komento dahil madaldal ang dalawang ito.

“Sosyal naman ng jowa mo, nag n –New York kapag na b –bwiset sa’yo.”

“Tell me about it.” He mumbled. Hindi siya makakasunod rito at wala siyang magagawa kundi maghintay. Wala siyang visa at wala naman kasi siyang planong pumunta doon.

InterplayWhere stories live. Discover now