Chapter 15

13.2K 527 36
                                    

INTERPLAY

Chapter 15

May bagong display na ulit sa gallery ni Mia at iyon ang mga artworks ng artist na pinuntahan nila sa Baguio. Maaga pa lamang ay naroon na siya at may dalang kape para kay Mia at sa assistant nito.

“Thanks, Wes.” Si Mia at kinuha ang kape mula sa kanya.

“You’re welcome. Parang mas marami yatang tao ngayon.” Puna niya sa paligid.

“Yes, hindi ko na expect na may fan base pala si Lloyd. He announced this to his channel at nag invite rin siya sa iba pa niyang social media accounts.”

“Ah, those apps you explained to me before.” Sabi niya at umakbay rito. Naramdaman naman niya ang kamay ni Mia sa likod niya. He’s brushing his thumb on her smooth shoulder.

“Yes. I’m expecting more guests today.” Sabi pa nito. “This is going to be a long day but I’m excited.”

“If you need anything just ask me,  okay?” Sabi niya rito. Sigurado siyang mamaya ay pagod ito.

“Yes. Thank you.” Tumingkayad ito at hinalikan siya sa pisngi. Eksakto namang pumasok sa loob ng gallery ang Tatay ni Mia at sa kanila ito nakatingin.

“Mia, Wesley.” Sabi nito pero mas nasa kanya ang mga mata.

“Sir.” Sagot niya at tumango rito.

“Hi Daddy, you’re early. Akala ko ay mamaya ka pa.” Si Mia iyon at lumapit sa ama.

“Maagang natapos ang meeting ko. Accompany me, hija.” Sabi ni Mr. Bonasera. Tumango siyang muli rito at tipid na ngumiti kay Mia, at hinayaan na niya ang nag ama.

“Do you like Wesley, hija?” Rinig niyang tanong ni Mr. Bonasera kay Mia.

“Yes, Daddy. I like him a lot.” Sagot ni Mia at pigil niya ang mapangiti.

“Bring him to the house again sometime. I want to know why you like him.”  Saad ni Mr. Bonasera habang lumakad na ang mga ito palayo at tingnan ang mga art pieces na naka display.

Damn, palagay niya ay ipinarinig talaga iyon sa kanya ni Mr. Bonasera. Pero maiigi na rin dahil paghahandaan naman niya ang pagkikita nilang muli. Sa pagkakataong iyon kasi ay hindi na siya si Wesley na lawyer ng anak nito, kundi siya na si Wesley na boyfriend ni Mia.

-

Nang matapos ang maghapon at wala na ang mga guests sa first day ng display ng artworks ni Lloyd. Minasahe niya ang balikat ni Mia habang nakaupo silang dalawa sa loob ng opisina nito. Naka unat din ang binti ni Emiliana sa center table.

Gaya ng inaasahan niya ay pagod ito.

“Congratulations sa first day ng artworks ni Lloyd.” Sabi niya kay Mia at ngumiti ito.

“Yes. I sold some pieces already.” Sabi nito at ngumiti.

“I’m going to buy one too.”

“Bumili ka rin last time n’ung kay Mr. Jimenez, tapos ngayon bibili ka ulit? Baka mapuno ng artworks ang bahay mo.” Sabi nito at nanatiling nakangiti. Natutuwa siyang nakalabas ang dimples nito sa kanya.

“I don’t mind.” Sagot niya at nagpatuloy sa pagmamasahe sa balikat nito.

“Oh, that’s good.” Sabi nito. She moaned when he added pressure on her shoulders. He smiled.

“Iyan namang binti mo ang kasunod kong mamasahihin. Ang sabi mo kanina ay nangangalay ka na dahil maghapon kang nakatayo.”

Bago pa ito makasagot ay naupo siya sa center table at kinuha ang binti nito. Inalis niya ang heels nito at nagsimula sa pagmamasahe sa binti nito.

InterplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon