Chapter 6

14.8K 542 118
                                    

INTERPLAY

Chapter 6

“Uhm, he’s my lawyer po, Mr. Jimenez.” Agap ni Mia at napatingin siya rito.

“Oh, akala ko ay asawa mo.” Sagot ni Mr. Jimenez sa kanila at tumango ito.

“Wala na po akong asawa.” Dagdag pa ni Mia at dumeretso na sila sa hapag.

“Aba ay bakit?” Tanong naman ng asawa ni Mr. Jimenez.

“Mahabang kwento po.”

Mukhang napansin naman ng mag asawa ang pagiging uneasy ng kliyete niya kaya’t hindi na nagtanong. Habang kumakain ay mas pinili na lamang ng nga ito na pag usapan ang mga artworks ni Mr. Jimenez.

-

Magkatabi ang kwartong ibinigay ng mag asawa sa kanila. Naligo siya at lumabas sa may veranda upang panuorin ang ulan. Malamig ang hangin at na r-relax siya sa pakikinig sa patak ng ulan.

“Gising ka pa rin, Attorney.” Si Emiliana iyon. Gaya niya ay nakasuot ito ng roba.

“The night is nice and this place is cozy.”

“I agree. Kaya nga hindi na pumupunta ng siyudad si Mr. Jimenez dahil sumasama raw ang pakiramdam niya doon.” Sagot ni Mia at sumandal sa haligi ng veranda.

“This is a good retiring place.”

“Attorney?”

“What?”

Isinahod ni Mia ang kamay sa labas para sa ulan.

“You didn’t correct Mr. Jimenez when he thought you were my husband.”

“But you did.”

Nakatingin lamang siya rito habang nakatalikod ito sa kanya.

“I did but I was wondering why you didn’t. And you also came here with me even when I refused.”

“You’re tired, Miss Bonasera. Go ahead and sleep.”

“And now you’re dismissing me.” Sabi nito at bumaling sa kanya. Nang lumakad ito sa direksyon niya ay napalunok siya.

“I’m not.” Saad niya pero nakapako ang mga mata niya rito.

“You are. Am I undesirable, Attorney?” Tanong nito. Nagugulat siya sa mga salitang binibitawan ng kliyente niya. Pakiramdam niya ay itutulak siya nito sa bangin kung patuloy siyang aatras.

“Miss Bonasera …”

“I told you I like you and that I’m attracted to you.”

“You did.”

“If I’m not your client, will you notice me?” Tanong nito sa kanya.

Damn it, she’s putting me on the spot.

“You’re beautiful, Miss Bonasera …”

“But you don’t like me and I’m not your type.” Putol nito sa kanya. “I’ve seen your ex, she’s tall and skinny like a model. Anyway, good night, Attorney Yuihara.” Dagdag pa nito bago pumasok na sa loob. Ang kasunod niyang narinig ay ang pag bukas –sara ng pinto ng kwarto nito.

Nahilot naman niya ang sintido at naisuklay ang daliri sa buhok.

Not only is she brazen, but she’s also direct to the core.

-

Napakurap siya nang makita niya ang kliyente niya at nabitin ang paghigop niya ng kape. Nasa habag silang dalawa ni Mr. Jimenez at pinag uusapan ang masamang panahon nang bumaba si Emiliana nang hagdan upang daluhan sila.

InterplayWhere stories live. Discover now