Chapter 1

57K 803 183
                                    

INTERPLAY

Chapter 1

Nahilot niya ang sintido habang nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng laptop niya. Damn, kung bakit kasi panahon yata ng pagmamahalan sa kanilang opisina?

Devlin and Lillian are obviously head over heels for each other. Karen is dating some guy, Cyrus eventually started to date too, while Tom is very busy pursuing his baby mama. Ang bago naman nilang kasama na si Stephanie ay eksaktong umuuwi pagpatak ng alas sinco. That leaves him alone in the office kahit alas sais na ng gabi. Siya na lamang yata ang nagsisipag sa trabaho roon.

Tumayo siya at pumunta sa pantry upang kumuha ng kape. Habang naroon siya ay narinig niyang bumukas ang pintuan ng opisina kaya't lumabas siya ng pantry.

Naroon nakatayo sa may reception area ang isang babae.

"Hello. I'm looking for Thomas Mendez." Saad nito.

"He's not here right now." Sagot niya at tiningnan ito ng mataman. Surely, this woman belongs to Thomas' world. The world of filthy rich and famous.

"Kung maaga kang pumunta ay baka inabot mo." Gusto sana niyang idugsong.

Babae kaya ni Tom ang isang 'to? Hannah sure is better. Better in a lot of ways. Pero hindi naman tipo ni Tom ang salawahan.

"Oh. Are you one of the associates here?" Tanong nitong muli. Her hand went on her chest, and she moved like she's a cartoon character. Napaisip siya kung natural ba ng kilos na ipinakikita nito sa kanya.

"Yes." Sagot niya sa tanong nito.

"Oh good. I need a lawyer as soon as possible. Can you represent me?" Tanong nito. Like her gestures, there is something atypical with the way she speaks. It's like this lady is from the regency period.

And who the hell still wears ribbons to tie their hair now? Aside from children, clearly this woman.

"Let's talk about your case, Ma'am." Saad niya at pumasok sa opisina niya habang nakasunod ito sa kanya.

"Please sit down, Ma'am."

"It's Mia. Just call me "Mia"." Saad nito at naupo sa sofa.

"Okay, so what's your concern?"

"Help me annul my marriage."

Napatingin siya rito ng deretso, hindi niya inaasahan na tungkol doon ang sinasabi nitong kaso. Pinakatitigan niya itong maigi at inobserbahan.

So this woman is married? She looks young? Maybe younger than me.

Hindi ito nagbibiro kung ang pagbabasehan ay ang ekspresyon ng mukha nito.

"Sure." Saad niya. Lalo pa at nakita niya ang malamlam na tingin nito.

Huminga ito ng malalim at nagsimulang sabihin ang gusto nitong mangyari.

Kasama na roon ang pakiusap nitong baka pwede raw na after office ito pumunta sa tuwing may appointment sa kanya dahil daw sa busy schedule nito.

Typical brat, akala mo ay sila lamang ang may ginagawa. Nevertheless, he agreed to her request.

-

Kinamayan ni Wesley ang babaeng nasa harapan niya. Kakatapos lang nilang maifinalize ang annulment nito. Makalipas ang mahigit kalahating taon ay bumaba na rin ang hatol sa annulment nito.

"Thank you, Atty. Yuihara." Saad ng kliyente niya sa kanya.

"You're welcome, Ma'am. Just doing my job." Sagot niya rito.

InterplayWhere stories live. Discover now