Chapter 5

15K 573 209
                                    

INTERPLAY

Chapter 5

“I mean thank you and I owe you. Like I said, I am grateful to you. You’re always here for me. So uhm … it’s kind of true but not in a romantic way. You’re awesome, you are helpful, you know I like you, Attorney and I’m also really attracted to you, gosh. I mean you’re attractive … oh my, this is so embarrassing. I’m pathetic.” Paglilinaw nito.

Pulang pula ang mukha ni Mia habang hindi ito magkaintindihan kung papaano magpapaliwanag sa kanya. Kitang kita niya na nag p -panic ito, habang parang nalunok naman niya ang dila niya at hindi makapagsalita sa pagkabigla.

“We’re here, Miss Mia.” Sabi niya rito at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Yes. I’m sorry for the trouble … W – Wesley.”

“I think it’s better if we keep things professional.” Sabi niya rito at tipid na ngumiti.

“Of course. Thank you, Attorney Yuihara and I sincerely apologize for causing you trouble.” Sabi ni Mia sa kanya at lumabas na ito sa sasakyan at walang lingon na tinungo ang sariling sasakyan. Naisuklay naman niya ang daliri sa buhok at napabuga ng hininga.

Now what I need is a drink.

-

Atty. Yuihara,

Thank you for getting me out of trouble and I’m sorry that you have to clean after my mess. But I have something else to tell you.

First, you’re attractive and I am attracted to you. Second, maybe because I kind of depend on you since the first time we met. You fix things for me, you’re always there to back me up. Third, I know what you are going to say “Just doing my job, Ma’am.” Fourth, I still like you, and I think highly of you. Fifth, don’t worry, I’ll keep in my mind that what we have is strictly professional.

Mia

Mariin siyang napapikit habang nakasandal sa swivel chair niya at hawak ang card na galing kay Emiliana.

Tiningnan niya ang kahon na nasa ibabaw ng lamesa niya na dumating kanina lamang. Ano naman kaya ang laman ng kahon?

Huminga siya ng malalim at binuksan iyon.

A tie bar.

Now she gave him a tie bar.

Magkano na naman ang maliit na regalong ito?

He actually turned her down the other night. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Ano bang gagawin niya sa babae?

Wala. Wala kang gagawin.

Nasa ganoon siyang pag iisip nang tawagin siya ni Tom. Mabilis niyang itinago saa loob ng drawer ang regalo ni Emiliana sa kanya at lumabas ng opisina.

-

Tatlong linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang pagsundo niya rito sa police station at dalawang linggo na rin itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Marahil ay busy ito sa gallery nito na sa pagkakaalam niya ay iyon ang pinagkakaabalahan nito.

He went to the café they usually pick. Expecting he’ll see her pero wala ito doon. Damn, why does he want to see her so suddenly?

Marami pa siyang gagawin pero heto siya ngayon at may pagkakape pa sa labas na nalalaman samantalang may kape naman sa kanyang bahay at sa opisina.

Nag vibrate ang cellphone niya at may message galing kay Audrey.

“Siya ba ang ipinalit mo sa akin? Oh my poor Wesley, didn’t you know that this woman is cheating on you.”

InterplayWhere stories live. Discover now