Chapter 14

13.2K 552 102
                                    

INTERPLAY

Chapter 14

“Hmm, hmm. The one fresh from vacay is here.” Si Lilliana iyon na kauna -unahang bumati sa kanya. “How’s vacation, Wes?”

“Good, how are things here?” Sagot niya at sumimangot ito.

“Good lang ang bakasyon mo? I don’t think so, I mean you’re glowing!” Dagdag pa nito at pinamaywangan siya. Sa likuran nito ay sumulpot ang boyfriend nito na nakangisi sa kanya.

“Pare, you’re glowing daw.” Sabi ni Devlin.

“Yeah, you’re glowing too, Devlin.” Ganti niya rito.

“Of course I’m glowing. I told you, everyday is a holiday with this one.” Sabi nito at mabilis na humalik sa pisngi ni Lillian.

He could never get used to these two’s public display of affection.

Umiling siya habang nagngingitian na ang dalawang ito sa harap niya. Hindi na nagsawa sa isa’t isa. Nagkasama na sa bahay, nagkasama pa sa trabaho.

“Hey, what’s up?” Si Thomas iyon na kararating lang. Naka sunglasses itong pumasok sa opisina at propesyonal na propesyonal ang bihis pero sa  dibdib ay naroon ang ang panganay nito na nakalagay sa baby carrier, at kumakawag ang mga paa habang nakangiti na sa kanilang lahat.

“Hi Jabril.” Si Lillian at hinawakan ang kamay ng anak ni Tom.

“Good, thanks for the vacation.” Saad niya.

“You’re welcome. Kami naman ni Hannah ang magbabakasyon sa susunod, dahil itong si Lillian at si Devlin ay nag book ng ticket para magbakasyon din next month.” Sabi ni Tom at bumungisngis sa kanya si Lillian. Kaya naman pala parang inaasar siya nito.

“These two doesn’t need a vacation. Devlin said everyday is a holiday.” Ganti niya habang nakatingin sa magkatipan.

“Whatever, Wesley. Magbabakasyon pa rin kami ni Dev.” Sabi ni Lillian at kinuha si Jabril mula kay Tom  habang nakangisi pa rin sa kanya si Devlin.

“After nila ay kami naman ni Hannah at ng mga bata.”

“Pustahan tayo pagbalik nila sa bakasyon, may baby number three na sila.” Sabi ni Devlin, at napapikit si Tom at nahilot ang sintido.

“Damn. I don’t mind having a kid again, but Hannah needs a break. Hindi pa man lang siya nakakabawi kay Kessler.” Sabi nito.

“We’ll never know, hindi naman yata kasi kayo nagpipigil sa gigil.” Sagot niya at dalawa sila ni Devlin na ngumisi rito.

“Coming from you? Really?” Tanong niya kay Devlin. Lumakas lamang ang tawa nito.

“Anyway, I need to talk to you guys. We have a new client.” Sabi ni Thomas na sa kanya nakatutok ang tingin.

-

Sa conference room ay maganda ang ngiti ni Tom, hindi lang sa anak kundi sa kanila rin. So this is a good sign, their boss is in a good mood.

“So, sinong client natin?” Tanong ni Devlin dito.

“A subsidiary of Aurora.” Sabi ni Tom at ngumiti. Nakatutok pa rin ang mga mata sa kanya.

“Damn, nice.” Sabi ni Devlin at tinapik ang balikat ni Tom.

“Magkaka bonus ba kami, boss?” Tanong ni Cyrus.

“Of course.” Sagot dito ni Tom.

“Yay! Thanks, boss!” Si Stephanie iyon at nag usap na agad ang dalawa ni Karen kung ano ang mga bibilhin nilang dalawa.

InterplayWhere stories live. Discover now