Chapter 2

19K 611 179
                                    

INTERPLAY

Chapter 2

Nang bumaba sila sa sasakyan ay noon niya napansin na napakaganda pala ng bihis ng kanyang kliyente. May date nga pala ito.

Sumunod siya rito pagpasok sa café at pinili nito ang upuan kung saan wala masyadong tao.

"I'll buy us coffee. Anong gusto mo?" Tanong niya rito.

"Americano." Sagot nito.

"Iced?"

"No. Thank you, Atty. Yuihara." Sabi nito at lumapat na naman ang kamay sa ibabaw ng dibdib.

Her tits sure are healthy.

Nag order siya ng coffee at crepe para rito.

"So, why did you break up with her?" Tanong ni Emiliana sa kanya hinddi pa man siya nakakaupo.

"Reasons." Sagot niya at humigop ng kape. Lumabi naman ito sa kanya at dinampot ang knife at tinidor upang maghilis ng crepe.

"You're not much of a talker, Attorney."

"Hindi lang ako komportable na nagsasabi ng tungkol sa buhay ko."

"But you owe me one this time. So answer my question, why did you break up with her?"

"I didn't."

"Huh?"

"I didn't break up with her. She's the one who has broken up with me."

"Oh."

Habang nasa dibdib nito ang kanang kamay ay pumatong naman ang kaliwa sa kanyang braso.

Tumaas lamang ang isang sulok ng labi niya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Are you alright now, Attorney?" Tanong nito.

"Of course. It's been a year already, I'm good."

Hindi na siya masyadong nakupag usap dito dahil palagay niya ay hindi rin naman siya nito pinakikinggan. Masabi lamang na kinakausap siya kaya't makalipas lamang ang tatlumpong minuto ay ibinalik din niya ang babae sa bar at umalis na rin.

-

Hindi naman siya mahilig sa music kagaya ni Devlin at Lillian kaya't sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin sa turntable. Ibinalik niya sa loob ng kahon ang bagay at inilagay iyon sa ilalim ng lamesa niya. Tsaka na lamang niya iisipin ang gagawin doon.

Ang cellphone naman niya ay tadtad ng message mula kay Audrey. Palibhasa ay hindi niya sinasagot ang tawag nito.

Kinatok pa siya ni Karen dahil nay pa-meeting daw si Tom sa conference room nila. Napakaaga naman ng pa -meeting ng bossing nila.

"Aba, may bago na pala kaming boss." Saad niya nang pagpasok niya sa conference room ay naroon ang anak ni Tom. Nakaupo sa kabisera.

"Ngayon lang, ihahatid ko rin iyan pauwi mamaya. May inaasikaso lang si Hannah."

"Napaka cute ngang boss niyan, hindi pa demanding." Sabi ni Karen at nagsitawanan sila lalo na si Jabril habang si Tom ay hindi sila pinansin.

-

"Hey, sama ka mamaya sa gym? May practice match si Devlin." Si Cyrus sa tabi niya habang nasa meeting sila.

"Sige." Sagot lamang niya.

"May plus one ako." Sabi pa nito.

"Damn, our client?" Tanong niya habang nakataas ang kilay rito.

InterplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon