XV

235 15 1
                                    

Kabanata 15:

"To love yourself is to walk away from the people you love who take advantage of you because they didn't love you in the same way."


"Bella, thank you ulit sa masayang party ah." paalam ni Brent habang nasa tapat kami ngayon ng gate. They're about to leave dahil may practice pa raw sila ni kuya Prince kasama ang team. And it means magkikita sila ni Juan.

Memory of my dream last night came back. Parang totoo talaga. Parang hindi naman siya isang panaginip lang. Pakiramdam ko ay totoo lahat. Nasa harapan ko siya, naririnig ko ang boses niya, nakikita ko ang mukha niya at naaamoy ko ang pabango niya. It feels so real na kahit alam kong dapat ay iniiwasan ko na ang pag-iisip sa kanya ay parang may parte sa akin na hinihiling na sana ay hindi na lang ako nagising para mas makasama ko pa siya.

Was it a selfish move? Birthday ko naman kahapon, hayaan niyo na lang ako na isipin ang makasama siya dahil alam ko naman na hanggang panaginip na lang nga iyon.

"Uy Bella, you okay?" bahid ang pag-aalala sa tono ni Brent.

Bigla akong nabalik sa wisyo. I smiled. "Ha? Ano.. thank you din. Tsaka Brent, we're even now." bahagya pa akong tumawa para maiwas na makaramdam ng awkwardness. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang titig sa akin ni Dylan. "You know, pambawi ko na lang siguro to para sa pagsira ko sa mood nung birthday mo. Remember, I sang a sad song and cried and walked out pa nga."

Nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko ang gabing iyon. Biruin niyo, kumanta ako ng Teardrops on my guitar at literal na naluha dahil inalay ko ang kantang yun para kay Juan.

"Ah yun, wala na yon. Malapit na ulit birthday ko, at natuto na ako. Di ka na kakanta." aniya.

Binatukan naman siya agad ni Prince. "Bella, you can count on us, okay? Alam ko na it's been a year pero kung hindi ka pa totally okay, wag mo pilitin ang sarili mo ha?"

He really cares for me. Sobrang kuya niya pagdating sakin kaya nagseselos si Juan eh. Natawa na lang ako sa loob. Bakit ba kanina ko pa siya inaalala? Nakaya ko naman na sa loob ng halong walong buwan ay wala akong narinig mula sa kanya. Hindi ko siya iniisip dahil nagpakabusy ako noon sa trabaho. Pero ngayon ano? Ano nangyari sa akin? Dahil lang sa isang panaginip, heto na naman ako at hinahanap-hanap siya.

"She's 25 now. Alam na niya ang dapat niyang gawin." seryosong wika ni Dylan. Nakasandal siya sa gate habang nasa bulsa ng kanyang dark blue jeans ang kanyang kamay.

He's right. Twenty-five na ako. Alam ko na dapat ang tama sa mali. Alam ko na dapat ang mga bawal at lahat ng mga dapat kong iwasan para mailigtas ko ang sarili ko.

Pero twenty-five na ako. At kahit anong gawin ko, hindi ko naman maintindihan kung bakit pagpatak ko sa edad na ito ay nawala ang taong pinangarap kong makasama sa mga susunod pang taon ng buhay ko. Akala ko I will be able to be with him on my life's silver anniversary.

Twenty-five pa lang naman ako. Pwede pa naman akong magkamali diba? Pwede pa naman akong makagawa ng mga desisyon na makakasakit sakin at tatanggapin ang lahat ng consequences non.

Twenty five na ako pero tao lang din naman ako.

Oo nga at twenty five na ako.. pero babae lang din naman ako na may pusong nagmamahal at nasaktan.

I'm 25 and being emotionally not okay at this age is okay, right?

"Sige na, baka ma-late pa kayo sa training niyo mamaya." sabi ko at marahang tinutulak palapit sa kanilang sasakyan sina Brent. Pag di ko pa kasi sila pinigilan sigurado akong hahaba pa ang usapan namin eh. Not that I don't want to talk to them pero kasi alam ko na kung saan papunta ang usapan na ganito eh. I'm trying to stop myself from remembering my feelings for Juan.

Free FallWhere stories live. Discover now