XII

346 10 2
                                    

Kabanata 12:

“Sometimes, it's okay not to be okay. If you know you're not okay, then that's okay.”

“Dylan, pwede mo na akong iwan.” I said. Nagawa kong sabihin ang mga salitang yon sa pagitan nang paghikbi ko.

Para akong bata na nakaupo dito sa park na umiiyak habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. Hindi ko na alam kung bakit ba hindi pa maubos-ubos yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko kasi okay na ako eh. Akala ko tapos na. Akala ko wala na. Akala ko kapag inisip kong kaya ko na eh kaya ko na talaga, pero hindi pala ganon kadali yon. Hindi pala. Akala ko lang pala.

Naupo si Dylan sa tabi ko at kahit wala siyang sabihin ay alam kong naaawa na siya sa kalagayan ko ngayon. Siguro ay iniisip niya na ang babaw kong babae para iyakan ang isang lalaking tulad ni Juan.

“Bakit? Kapag ba umalis ako, titigil ka na sa pag-iyak? Kapag ba iniwan kita dito, mababawasan ba yung pain mo?”

I was caught off guard atfer he threw me that questions. Simple lang naman ang sagot. Hindi. Hindi naman ako magiging maayos at mas lalong hindi naman ako matitigil sa pag-iyak dahil lang sa sinunod niya ang gusto kong iwan niya ako.

Wala naman kasing kinalaman si Dylan sa lahat ng nararamdaman ko ngayon eh.

“H-hindi.” Pinahid ko ang mga luha na kanina pa patuloy na umaagos sa aking pisngi. “Pero ayokong maka-istorbo. Kaya sige na, iwan mo na ako.”

He lean closer to me and using his thumb, he wiped my tears. “Sino ba nagsabing nakakaistorbo ka sakin?”

Sa pagkakataong iyon ay nagawa kong mapatingin sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at doon ay nakita ko na seryoso siya. Wala akong nakitang awa habang tinitignan niya ako. The look in his eyes.. it's something that I can't explain.

“Gusto kong mapag-isa.”

Ako na mismo ang unang bumitaw sa titigan namin at binaling sa malayo ang aking tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil bigla lang akong nakakaramdam ng kakaiba. At sa dami na ng problema at iniisip ko ngayon, wala na akong panahon para pagtuunan ng pansin ang kakaibang pakiramdam na dulot ni Dylan sa sistema ko.

“And do you really think na hahayaan kitang mag-isa?”

“Dylan, ano ba ang dahilan mo? Bakit ba ang bait bait mo sakin? Bakit mo ba ginagawa 'to? Anong mapapala mo sa tulad ko na walang ibang ginawa kundi iyakan ang lalaking dahilan kung bakit nadudurog ang puso ko? Ano? Wala naman diba? Wala. Kaya kung ako sayo, umalis ka na. Iwan mo na ako—”

“Hindi nga kita iiwan. Bakit ba ang kulit mo ha?”

Hindi ko na nagawang hintayin pa na iwan ako ni Dylan. Bigla na lang akong pinagtaksilan ng mga luha ko at kusa silang bumuhos. “Ang sakit. Ang sakit sakit naman kasi. Akala ko okay na eh. Akala ko kaya ko na siyang harapin, akala ko mawawala na yung nararamdaman ko. Pero bakit ganon? Habang tumatagal lalong lumalalim. Lalong tumitindi yung kirot.”

Kung pagtinginan man ako ng mga tao ngayon ay wala na akong pakialam. Mas gusto ko na dito na lang ibuhos ang sakit kaysa makita ako nina mama sa bahay na umiiyak.

“It's okay, Bella.” Pag-aalo sa akin ni Dylan. Hinahagod niya ang likod ko upang patahanin ko. He gives me the comfort that I need. Pero mas lalo lang akong naiiyak. Sa mga kinikilos niya ngayon ay mas lalo ko lang naaalala si Juan. Siya yung laging kasama ko sa lahat ng bagay. “Okay lang..”

Free FallTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang