II

616 27 2
                                    

Kabanata 2

“You may wonder about me,
You may occasionally miss me,
You may ask about me,
but you will never love me.”

Habang binabasa ko ang libro na iniedit ko ay bigla akong napahinto nang madaanan ng mga mata ko ang isang talata na iyon. Bawat salita ay tumagos na para bang matalim na kustsilyo sa aking puso. Napahawak ako sa dibdib ko. Hanggang kailan ko ba hahayaan na masaktan ako ng ganito?

Alam ko naman na lahat ng kilos na pinapakita at pinaparamdam niya sa akin ay dahil lang sa matalik kaming magkaibigan. At kahit siguro pagbalibaliktarin ko ang mundo, hanggang dun lang ako sa buhay niya.

Huminga ako ng malalim, isinara ko na ang laptop ko matapos masave ang lahat ng nirevise ko sa libro ni DLL. This is the second book niya na ako ang nag-check before i-publish at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikilala, hindi ko nga rin alam kung ano ang hitsura ng author na yon. Kung babae ba siya or lalaki. Pero sa lalim ng hugot niya, nafifeel ko na isa siyang babae na gaya ko. At siguro marami din siyang pinagdaanan sa buhay kaya ganon na lang yung lalim ng inspirasyon niya sa pagsusulat.

Nagpasya na ako na maligo na para makapaghanda na rin sa pagpunta ko sa game nila Juan mamaya. Hindi naman sa excited ah, pero may dadaanan din muna kasi ako bago magpunta sa laro ng bestfriend ko.

Matapos kong makapag-ayos nagpaalam na ako kina mama at papa na masayang nanunuod ng paborito nilang pelikula. At kahit paulit-ulit na nila iyong napanuod ay hindi pa rin sila nagsasawa at ramdam na ramdam pa rin nila ang saya at kilig ng bawat eksena. Gaya ng pagmamahal nila sa isa't-isa. Sa loob ng mahigit twenty-three years ng pagsasama nila ay hindi ko sila nakitang nagsawa sa isa't-isa. And I admire my parents for that. Imagine, there are lots of man drooling over my mom's beauty and there are women lined up to be with my dad since he's the ultimate heartthrob but look at them, they have their eyes and heart only for each other.

Hindi gaya sa sitwasyon ko. Muli akong napahawak sa dibdib ko nang makaramdam muli ng kirot.

“Anak, mag-iingat ka. Mag-enjoy ka don!” Pahabol na sigaw ni Papa bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

“Ingatan ang puso, anak. Baka mahulog 'yan.” Pagbibiro pa ni mama. Little did she know, matagal na 'tong nahulog. Nahulog sa taong hindi naman kayang sumalo.

Isang sakay lang naman ng jeep, makakarating na ako sa paggaganapan ng basketball game nina Juan. Pero dahil maaga pa, mas pinili kong maglakad na lang at nagbalak na rin akong dumaan muna sa isang bookstore.

Hindi naman naging matagal ang paglalakad ko, halos wala pang kalahating oras lang ay nakarating na ako sa bookstore.

I took a glance on my wrist watch, I still have forty five minutes to look around. Sa kabilang building lang naman maglalaro sina Juan, eh.

Habang nagtitingin-tingin ako sa mga libro ay nadaanan ko ang isang book stand kung saan puro mga libro ng isang pamilyar na author ang nahagip ng mga mata ko. I grabbed one and scanned it. This one really looks so familiar.

“Are you a fan?” Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin. Habang nagsasalita siya ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang mapupulang labi. Hindi niyo naman ako masisisi, sa height difference namin, talagang yung bandang labi niya lang ang kapantay ng mga mata ko.

Binalik ko ang aking sarili sa realidad at pinagtuunan ng pansin ang tanong niya. Maybe he's referring to this book. “No,” I shook my head. “I'm a fan ng works niya.” I continued.

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon