V

445 30 6
                                    

Kabanata 5

“Maybe you don't end up with the person your heart chooses.
Maybe that's not how life works.
Maybe you don't get what you want.
Maybe you end up finding what you need, and maybe the universe knows what you need more than you do.”

“Bei, what makes you think na hindi ako safe?” Kunot-noo niyang tanong sa akin.

Hindi pa rin tumitila ang ulan at ganoon din ang pagpatak ng mga luha ko. Para bang wala na itong katapusan. Buti na lamang at basa ako ng ulan, hindi niya mapapansin na kanina pa ako umiiyak. Dahil kahit na anong mangyari ayokong isipin niya na siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Kahit pa iyon naman talaga ang totoo.

“I thought, kaya ka na-late kasi something bad happened to you.” Hindi nakapagtago ang lungkot sa tono ng pananalita ko. At sa sobrang lapit namin ngayon, imposibleng hindi niya iyon marinig.

Napayuko siya ng bahagya, hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kanyang libreng kamay. “I'm sorry, Bei.”

Humakbang ako palayo sa kanya. Kahit pa mabasa ako ng ulan ay wala naman nang magbabago pa, basa na rin naman ako, wala na ring mawawala kung mabasa pa ulit ako.

Nasaktan na ako, kaya kung masasaktan pa muli ako ngayon, hindi na ako maaapektuhan pa. Namamanhid na ako sa sobrang sakit.

“Stop saying sorry.” Wika ko sa kanya. Ayokong naririnig siyang humingi ng tawad sakin dahil hindi naman niya kasalanan kung hindi niya ako kayang mahalin eh. “Wala ka namang dapat ika-sorry.”

Ganon yata talaga kapag mahal mo yung isang tao no? Kahit sobrang nasasaktan ka na dahil sa kanya, hindi mo pa rin kayang magalit sa taong yon.

At ang marinig siyang humihingi ng tawad sakin ay sobrang nakakadurog sa puso ko. I never thought that hearing sorry could hurt this bad.

“Kailan ka ba mapapagod na sabihin sakin yan?” Bulong ko pero sapat lamang iyon para marinig niya ako.

“What?”

I painfully smiled and took a step back. Kumalas ang pagkakahawak niya sa braso ko at bumungad sa akin ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at kalituhan. Sa nakita kong emosyon sa mga mata niya, nakaramdam ako ng pagkirot sa aking puso.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ko kamahal ang lalaking kaharap ko ngayon, at ang makita siyang nalilito, nag-aalala at nasasaktan, sobrang nakakapagbigay iyon ng lungkot sa akin.

Ang weird no? Nakakatawa. Diba dapat ay maging masaya ako kasi alam ko na kahit papaano ay concern pa din siya sakin. Pero heto ako, feeling the opposite.

“Hindi ka ba napapagod na humingi ng sorry sakin?” Nagawa ko pang sabihin iyon sa pagitan ng mga hikbi ko.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya at mas kumunot ang mga noo niya.

“Bei, I don't understand. But the answer is no. Bakit ako mapapagod? Sayo pa ba?”

Nakaramdam ako ng napakaraming paruparo sa tyan ko. I felt so high and happy. Nakahanda akong ipagpalit ang lahat para marinig lang muli sa kanya yung mga ganyang salita. I'm more than willing.

Pero sapat na 'to. Dapat sapat na. Hindi na pwedeng humigit pa. Kailangan kong makuntento dahil hindi naman siya sakin.

“Pwede mo ba akong bigyan ng chance na mag-wish sayo. Three wishes. Late ka naman eh, I've waited for more than three hours. Baka pwedeng yun na lang yung iregalo mo sakin, Juan.”

Free FallWhere stories live. Discover now