XIII

296 13 1
                                    

Kabanata 13:

“The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward.”


“Bakla, ano? Di ka ba tapos dyan?”

“Wait lang eto na nga patapos na eh.”

“Thirty minutes ka na dyan sa kaliwang kilay mo ah. Tagal bakla.”

Habang nag-aayos ako ng gamit dito sa aking desk ay di ko maiwasang mapangiti habang naririnig ang pagtatalo nina Milla at Enzo, my officemates. And yes, I started attending office. I mean, tinanggap ko na yung offer ni Ms. Ada na pagiging full time editor kaya kailangan ko na mag-stay ng eight hours sa loob ng opisina na ito.

Wala na din naman kasi akong dahilan pa para tanggihan iyon. Wala naman na akong ibang pagkakaabalahan.

At dito din sa loob ng opisina na ito, nakilala ko sina Milla at Enzo. My new friends. Dahil sa kanila, natutunan ko na pwede pala akong magkaroon ng kaibigan outside my comfort zone. Na pwede pala akong makakilala ng magiging kaibigan ko na hindi nangangailangan ng tulong iba.

For the past years, kinulong ko yung sarili ko sa iisang circle of friends. Doon lang halos umikot ang buhay ko. Di na ko nakahanap ng ibang kaibigan. Kaya nang dumating sina Milla at Enzo sa akin, kakaibang fulfillment yung naramdaman ko. They thought me to be me, one thing na nakalimutan ko na.

“Uhm, Milla.. Enzo,” nakuha ko naman agad ang atensyon nilang dalawa kaya sabay silang napalingon sa akin.

“Yes honey?” Tanong ni Enzo na natigil sa kanyang pagkikilay. Yes, he's part of the LGBT community and I'm proud that I met him.

“May lakad ba kayo after office?” Nagdadalawang isip kong tanong.

Bahagyang natahimik si Milla na parang nag-iisip. “Nako girl, sorry. Magkikita kasi kami ni Mac ngayon eh.”

This time ay si Enzo naman ang binalingan ko ng tingin. “Bella, honey, you know naman diba, may rampa ang lola mo ngayon.” he said.

I understand.

“No, it's okay. Next time na lang siguro.”

At dahil nga sa ako yung bagong salta sa buhay nila, ako yung makikihati sa oras nila. Dahil bagong dating ako, hindi ako ang priority nila. May sarili silang buhay bago ako dumating kaya natural lang na yun ang uunahin nila kaysa sakin. Sad truth.

Milla has her boyfriend for almost three years, si Mac and si Enzo naman, may night out parati yan kasama ang LGBT friends niya.

I looked down. Hindi ko naman gustong ipakita ang disappointment ko pero mukhang hindi iyon nakatakas sa mapanuri nilang mga mata.

Lumapit sa akin si Milla at niyakap ako mula sa gilid, “Sorry, Bella, next time babawi ako.. promise!” she assured me.

Kahit hindi pa napapantay ni Enzo ang kilay niya ay lumapit din siya sa akin at gaya ni Milla ay niyakap niya din ako. He also held my hand, “Truth. Babawi na lang kami next time, ha?”

I nodded and smiled. Wala naman akong magagawa eh, hindi ko naman gustong ipilit sa kanila ang sarili ko.

“It's okay.”

Free FallWhere stories live. Discover now