III

501 29 1
                                    

Kabanata 3

"The love you deserve will not be hurtful at all."

Iyon ang pagkakabasa ko sa hawak ko na isang kwadradong sticky note na kulay dilaw. Sulat kamay lamang ang mga salitang nakasulat dito. Tuwing umaga ay may nagdedeliver sa amin ng mga dyaryo na laging binabasa ni papa pagkatapos o di kaya ay bago kami mag-almusal. Ngayon ay ako ang kumuha ng dyaryo, lagi naman iyong nakaipit sa gilid ng aming itim na gate. Kaya hindi ako sigurado kung normal ba na may nakaipit na ganitong papel dito.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at agad na pinakita kay mama ang nakuha kong maliit na papel. "Aba, ngayon lang nagkaroon ng ganyan." Maging ang aking ina ay hindi rin makapaniwala sa nakuha kong papel na may munting mensahe na para bang isinulat talaga iyon para sa akin. "Hayaan mo, mamaya kapag namalengke ako, ipagtatanong ko sa kapitbahay kung may nakuha din silang ganyan." Aniya. Nakita niya siguro na hanggang ngayon ay hindi ko mabitawan ang papel na yon, pero ang katunayan niyan, hindi ko lang matanggap na lahat na lang yata ng nababasa ko ay umaakma sa nararamdaman ko. Napakagaling naman talaga maglaro ni tadhana.

Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto at sinimulan na ang aking trabaho.

Pagkakuha ko sa aking ballpen ay bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako nakakapagsulat ng sasabihin ko para kay Juan sa araw na ito. Natulog ako kagabi na sobrang sakit ng puso ko pero nagising na naman ako ngayong umaga na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Nahagip muli ng mata ko ang sticky note na nakuha ko kanina, dinikit ko iyon sa kulay abo na pader ng aking kwarto. This one serves as my reminder.

I started to write my feelings down. At sa bawat pagtinta ng aking panulat ay kasabay ang pagpatak ng aking luha. Kung sana ay sa bawat luhang lalabas sa aking mga mata ay katumbas noon ang pag-alis ng nararamdaman ko.

Why does it feels like I am loving him more over and over again. Ang weird no? Habang pasakit nang pasakit yung nararamdaman ko, mas lalo lang akong nahuhulog.

"Knock. Knock. Knock."

Pamilyar ang boses na iyon. Ano na naman ba ang ginagawa niya dito? Oo nga pala, kaibigan ko nga pala siya. Kahit na mahal na mahal ko siya, hindi ko dapat makalimutan yung katotohanan na kaibigan ko siya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si Juan. Sa ngiti niyang iyon, nahulog na naman ako ng isang palapag. "Yes, Mr. Rivero, anong kailangan mo?"

Kinurot niya ang aking pisngi at natatawa akong kinausap. "Sungit naman ng mahal na prinsesa." Marahan niya akong hinawi at malaya siyang pumasok sa aking kwarto.

Sinigurado kong walang bahid ng luha ang aking mga mata bago ko siya harapin ng maayos. “Juan, busy akong tao. Kung wala kang gagawin o kung wala kang sasabihin, pwede ka na umalis.” At kung pwede lang din sana, umalis ka na din sa puso ko. Nahihirapan na ako huminga e. “As you can see, may ineedit akong libro.” Aniko habang tinuturo pa ang aking lamesa kung saan doon nakalagay ang lahat ng gamit ko.

Isang malaking pagkakamali yata na tinuro ko iyon sa kanya dahil naalala kong hindi ko nga pala naligpit ang papel na pinagsusulatan ko ng mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Hindi pa ngayon ang araw para malaman niya ang lahat.

Dali-dali akong bumalik sa aking lamesa at mabilis na tinago ang papel na iyon. Hindi naman iyon nakatakas sa kanyang mga mata kaya naman pinaningkitan niya ako ng mata na para bang naghihinala sa biglaang kilos ko.

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon