I

1.4K 33 3
                                    

Kabanata 1

This is a brand new morning. Bagong simula, bagong pag-asa, bagong araw. Gumising ako na may malaking ngiti sa aking mga labi, nagbabakasaling sa panibagong umaga na ito ay may magbabago na sa pagtibok ng aking puso. Pero sa mundo yatang ginagalawan ko, dalawang bagay lang ang nananatiling constant. First, change. Change is the only constant thing on earth sabi nga nila. And second, yung pagmamahal ko para sa kanya.

My heart's still beating for him.

As of this morning, I'm still in love with him.

“Bella!”

Mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang boses ng aking ina. Ilang sandali lang ay narinig ko na rin ang mahina niyang pagkatok sa pinto at ang marahan niyang pagpihit sa doorknob.

“Gising na, anak. Nakahanda na ang almusal.” Aniya. Habang pinagmamasdan ko ang aking ina ay hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi mababakas ang katandaan sa mukha niya, para lang talaga kaming magkapatid. Siguro ay dahil na rin sa pag-aalaga sa kanya ni papa. “Bea Carmella, ano ba? Nananaginip ka pa ba? Gising na.” Naupo siya sa gilid ng kama ko at mahina akong tinatapik-tapik sa braso.

Pero imbis na magsalita ay niyakap ko siya patagilid. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya. Alam kong kahit hindi ako magsalita ay alam niya kung ano ang nararamdaman ko at kung ano ang pinagdadaanan ng aking puso. “Anak, hindi man ngayon, alam kong darating din ang araw na magiging okay na ang puso mo. Yung araw na makakangiti ka na, pero hindi na siya ang dahilan. At kapag dumating ang araw na 'yon, ako ang pinakamasayang tao para sayo.”

“Mama...”

Ang bawat salitang binibigkas ni mama ay tumatagos sa puso ko. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong mapaluha. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni mama sakin. Pagmamahal na hindi kailanman maibibigay ng taong pinapangarap ko.

For eight long years, minahal at patuloy kong minamahal ang isang taong hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin. Isang tao na kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi magiging akin. This is a one sided love. One sided love that lasts for eight years. Wow!

“Aba! Nagmomoment na pala kayo dito hindi niyo man lang ako sinasali.” Bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si papa na naka-apron pa. Siya ang palaging naghahanda ng pagkain para sa amin ni mama. “Sali ako dyan!” Mabilis siyang naglakad patungo sa amin ni mama at niyakap kami.

“Aray ko naman, Pa! Di na ko makahinga.” Reklamo ko. Pero ang totoo, gusto ko lang pagaanin ang sitwasyon dahil baka bigla na lang akong umiyak ng bongga dito kapag di pa ako tumigil sa kakadrama ko. “Ang sikip!”

“Masikip pala ha, teka.” Imbis na humiwalay ay mas lalo pang sumiksik sa akin si papa. Halos naabot niya na rin ng yakap si mama kaya para akong sandwich na sa kanilang dalawa. “Ano masikip pa rin ba? Ha?” Natatawa niyang tanong. Sabay na lang silang nagtawanan ni mama.

And I envy them. Ganyan klaseng relasyon ang gusto ko. Ang pagsasamang you can act as lovers and best friends at the same time. Yung sweet ka pero hindi nakakalimot na patawanin yung partner mo. Kahit hindi na sa taong palihim kong minamahal for eight years, ganyan pa din ang gusto ko. Yung buhay na masaya, simple pero punong-puno ng pagmamahal.

Pero syempre, a part of me is hoping na sana siya na lang. Na sana, siya na lang ang taong makasama ko habang buhay. Yung tao na una kong makikita pagkagising ko sa umaga at ang taong huli kong makikita bago ako matulog sa gabi. Sana, siya na yung taong hindi ko pagsasawaan na ipagtimpla ng kape, pagluto ng umagahan, meryenda, tanghalian at hapunan.

Free FallWhere stories live. Discover now