VIII

495 31 5
                                    

Kabanata 8

“It's not easy to let go. I know. Letting go of him means letting go of everything you have known and loved for so long. When you're so used to him that you cannot picture yourself anymore with anyone else, how can it be easy? But darling, it will get better.
Breathe out, let go. One day at a time.”

I was holding this piece of paper for I don't know how long. Nakatitig lang ako sa bawat letrang nakasulat dito at sa bawat pagbasa ko sa mga salitang iyon ay unti-unti itong pumapasok sa puso ko. Kung sino man ang nagpapadala sa akin ng mga sulat na ganito, nagpapasalamat ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay may isang tao na nakakaintindi sa nararamdaman ko bukod sa pamilya ko.

Mahirap naman talaga ang mag-let go. Madaling sabihin para sa iba, pero kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon, ibang-iba na ang pakiramdam. Kapag ikaw na mismo yung nakaramdam ng sakit, magiging mahirap na din ang lahat.

Kapag nasanay ka na lagi siyang nandyan sa tabi mo, magiging mahirap ang bawat bukas na darating dahil alam mong wala na siya. Hindi mo na siya kasama sa mga araw na nilikha ng Diyos. At iyon ang masakit na katotohanang dapat kong tanggapin.

“Baka naman matunaw 'yan,” Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Brent. Hes standing in front of our gate with a huge smile on his face.

Binura ko ang lahat ng gumugulo sa isipan ko at tinuon ang atensyon sa kanya. Simula noong nangyari ang pag-amin ko kay Juan, hindi ako iniwan ni Brent. Hindi siya pumapalya sa pagbisita sa akin dito sa bahay para kamustahin ako. Sa loob ng dalawang linggo, consistent siya doon.

Minsan nga ay gusto ko na lang isipin na baka inuutusan siya ni Juan, pero sino ba naman ang niloloko ko diba? Sigurado naman akong masaya na siya ngayon dahil mabibigyan na niya ng oras ang girlfriend niya. He doesn't need to care for me.

“Birthday ko mamaya, I want you to be there.. with me.”

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Nakita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo na pumayag akong pumunta sa party niya. Sa totoo lang, gusto ko naman talaga. Gusto ko na makasama siya, bilang bayad ko man lang sa lahat ng tulong na ginagawa niya for me. Pero paano ko gagawin iyon kung alam kong kapag nagpunta ako sa party niya mamaya ay makikita ko si Juan?

Hindi posible na hindi kami magkita mamaya. Brent is his best friend. Of course, he'll be there at ang mas masakit, alam kong kasama niya mamaya si Trina.

“Brent..”

Hindi na niya ako hinayaang matapos pa sa sasabihin ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan ako sa mata. “Please, for me?”

Nung mga panahong hirap na hirap akong huminga dahil sa bigat ng nararamdaman ko, si Brent yung tumayo sa tabi ko at hindi ako iniwan.

Napakasama ko namang kaibigan kung sa simpleng pagpunta lang sa birthday party niya ay di ko pa magawa.

“Okay, pupunta na ako. For you,” I smiled.

Nakita ko kung paano lumapad ang ngiti niya. The all smiles Brent is back. “Good. Prepare an intermission number too, Bella. I want to hear you sing. Yun na lang gift mo sakin.”

Hindi ko na nagawang magreklamo pa sa kanya dahil bigla na siyang umalis. Nagmamadali siyang tumakbo palayo sa bahay namin. Napailing na lang ako.

Ano ba itong pinasok ko?

Parang kailangan kong magpahangin muna at makahanap ng lakas ng loob, dahil paniguradong sa oras na magkita muli kami ni Juan ay babalik na naman ako sa dati. Madudurog na naman ako. At hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang buuin ang sarili ko.

Free FallWhere stories live. Discover now