XVII

101 7 0
                                    

Kabanata 17:

"You deserve to find someone else.
Someone who chooses you everyday. Everytime."

Habang naglalakad pauwi ay ramdam ko ang paggaan ng puso ko. Pagkatapos ko masulat lahat ng gusto kong sabihin kay Juan, parang may kung anong nakawala sa puso ko kaya ngayon mas nakakahinga na ako nang maluwag. And it's all thanks to this guy, Dylan.

If it weren't for him, siguro patuloy pa rin naman ako sa pagmomove-on pero hindi ko marerealize na ibang Bella na ako ngayon. But in a good way naman.

"Paano natin malalaman kung tumubo na yung tinanim natin?" I asked Dylan. Napahinto siya sa paglalakad at natatawang hinarap ako. "Why?"

He ruffles my hair. "Patience. Right?"

Alam ko naman na iyon ang isasagot niya sa akin, pero nagtanong pa rin ako. Ganon naman talaga diba? Minsan, kahit alam mo naman na malabo na, susubukan mo pa rin. Kahit na alam mong masasaktan ka sa huli, sisimulan mo pa rin. At minsan, kahit na alam mong hindi naman magiging ikaw, may parte sa puso mo na pilit na aasa na baka sa susunod na bukas, pwede na.

That's life. Wala naman talagang kasiguraduhan. Only He has the power to control what will happen to each of us. And all we have to do is put our hundred percent trust and faith to Him.

"Stop sulking." Wika ni Dylan at hinarap ako. "We'll talk about it later. You'll find out soon kung ano yung nakasulat don, okay?"

Ang laging turo sa akin ni Dylan ay sa bawat paghihintay ay may maganda itong kapalit. Take one step at a time. No need to rush things. It will happen if it's meant to happen.

Dati kasi akala ko mas mapapabilis ang pag-momove on ko kapag minadali ko ang lahat. Pero hindi pala. Dahil habang mas pinipilit ko na kalimutan siya, mas lalo ko lang nasasaktan ang sarili ko dahil mas naaalala ko lang si Juan.

Sabi nila experience is the best teacher. Pero para sa akin, those experience isn't enough and won't do as much kung walang matiyagang tao na handang samahan, damayan at tulungan ka. It's family, friends and Dylan for me.

"I'm not sulking. Naiintindihan ko naman."

Dylan smiled. Kahit na tanging ilaw na lang galing sa mga lamp post ang nagbibigay liwanag sa paligid, kitang-kita ko pa rin ang ningning sa mga mata ni Dylan. It's as if his eyes are one of those stars above.

"We're here," he announced as we finally reached our house. When I'm with him, madalas talaga na hindi ko namalalayan ang oras. Ang bilis palagi ng mga pangyayari. "Magpahinga ka na."

"Hindi ka ba papasok muna sa loob?"

Umiling siya bilang paunang sagot. "Hindi na siguro. Ikamusta mo na lang ako kina tita at tito."

"You should at least say a proper hi and leave. Sa akin na naman magagalit yon eh, sabihin di kita pinapasok sa loob."

For the past months, naging malapit na rin ang loob ni Dylan sa mga magulang ko. Lalo na kay mama. Kuhang-kuha na nga niya ang loob nito na minsan, mas anak pa siya kaysa sa akin.

"Babawi ako bukas. Sige na, gabi na. Pasok ka na sa loob."

"Okay. Message mo ako kapag nakauwi ka na. Ingat!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon