Chapter 7a: Goodluck

3.7K 99 0
                                    

Chapter 7a: Goodluck

 

 

Coline's POV

Ilang linggo na din ang nakalipas...

At ilang linggo ko na din syang hindi nagpapakita..

Buti naman.. Kasi sa tuwing dadating sya,. Nasa panganib ako..

Nandito kami ngayon sa may gymnasium ng XYZ (Xenjuro Y. (Yllagan) Zamora) University, ang school nina Beth.

Why?

"Good Evening Everyone! I'm Elizabeth Madrigal, 20 years old." pakilala ni Beth

"and I'm Charlie Fuentabella, 21 years old" sabi ng kapartner ni Beth kung saan nagtilian ang mga babae

"Presenting Nursing Department!" rinig ko na sabay nilang sabi.

Yep! Kasali si Beth ngayon sa pagean. At bilang napakasupportive na kapatid, nandito ako ngayon para icheer sya.

Asar! Hindi ko makita si Beth at ang kapartner nya! May mga tumayo kasing babae dito sa may bleacher na may dala pang tarpaulin at buong lakas na nagtitilian.

Avid fan ang peg?!

Ang sakit sa tenga!

Hello! May nanonod sa likod, makaramdam naman sila oh. Di kami makapanood ng ayos.

Grrr! Mga manhid! Sarap sabunutan paupo!

Tumayo na ako sa may bleacher, makapunta na nga lang sa backstage, mas malapitan ko pang makikita ang mga contestant.

Kung tinatanong nyo kung anong event ngayon eh Search for Mr. and Ms. XYZ University.

(A/N: dahil sa wala akong maisip na school, XYZ University na lang :p)

Si Dad nasa mismong umahan ng stage na nagpipicture. Supportive ni Dad haha

Nagpalingon-lingon pa ako sa paligid, ang daming tao.

O____O reaksyon ko ng may mahagip ang mata ko na isang tao na kalalabas lang sa backstage.

Oh no! Si Mr. Sungit!! Anong ginagawa nya dito?!

Teka, papunta sya sa direksyon ko!!

Errr. Eto ba yung sinasabi nya na magkikita ulit kami? Jeez. Manghuhula ba sya?

Agad akong tumalikod. Mabuti na lang madaming tao. Sana hindi nya ako mapansin. >___<

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now