Chapter 45a: The Bestfriend

2.2K 59 5
                                    

Chapter 45a: The Bestfriend

(si Annie sa gilid.. kpopper there kilala nyo sya sa SNSD haha)

 

Annie Mae’s POV

 

“ssshhh.. tahan na..” sabi ko kay Coline, “tama na yan.. makakasama lang yan sa kalagayan mo..”

“Mae parang mas gusto ko pang mamatay ngayon..” iyak nya

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung makipagbreak sya kay Tyrone.. at eto ang bestfriend ko ilang araw na ding walang tigil sa pag-iyak..

"tanga mo naman kasi... ikaw ang nakipag-break tapos ano? iiyak-iyak ka ngayon??" sermon ko, "alam mo bang sa rule ng mga nagbebreak walang karapatang umiyak yung nakipagbreak??"

"waaa!! Mae huhuhu" lalo syang humagugol

Syete. May sinabi ba kong mali?? Tama naman lahat yun ehh.. Expert toh noh!

Pinipilit naming syang kumain sa oras dahil madami syang iinumin na gamot.. pero sobrang konti lang dahil wala daw syang gana..

Zzzzzz. Zzzzz. Zzzzz.

Mabuti nalang nakatulog na sya.. Sa araw-araw nakakatulugan nalang nya ang pag-iyak..

Naaawa ako sakanya pero alam kong wala naman akong magagawa.. hindi role ng bestfriend na tulad ko ang diktahan sya, matanda na sya at may kakayahan ng mag-isip. Ang kelangan ko lang suportahan sya sa kung ano mang nagging desisyon nya..

Inihiga ko na si Coline ng ayos sa kama at kinumutan.. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata nya.. Kahit sa patulog may luhang pumapatak sa mata nya..

Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang mukha nya.

 Tss. Alam nyo ba kung ano luha pag natutuyo?

Oo. MUTA!! Kadiri kaya!

Maalat-alat na ewan haha..  wag nyo ng itanong kung paano ko nalaman ang lasa nun obvious naman diba?

Haay naloloka na ko!

Nahiga nalang ako sa tabi nya at natulog na..

----

Past 11 na nung magising ako, pano ba naman maga-alas onse na nung matulog kami kagabi.. pero tulog pa din si Coline.. Naghilamos lang ako sa cr ng kwarto nya bago bumaba. Syempre nagpaalam muna ako kay ate April na sya muna ang magbantay kay Coline..

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon