Chapter 51a: Cheater

2.5K 51 4
                                    

Chapter 51a: Cheater

Annie Mae’s POV

(Maybe fans eto naaa!! Hahaha

Si Annie Mae nasa gilid hahaha baliw diba hahaha ang cute lang :D

@sarahkim123 alam kong ikaw ang president ng fans club nila para sayo toh :P

Pa-request naman sa mga makakabasa, paipon naman ng mga quotes at banat ni Mae.. tamad ako :)

Last day ng FINALS…

"ANNIE MAE!!!!" sigaw ni Nanay sabay hampas ng malakas

Syet! Wala ng araw na hindi masakit ang alarm ko ehh

"Nay naman 9 palang oh!! Diba 5 pm pa ang exam ko? Sinabi ko kagabi na wag nyo kong gisingin kasi kelangang magpahinga ng utak ko.."

Kahapon kasi 3 ang subject ko.. Sumabay pa ang practicum ng P.E at mga computer chuva.. wala namang problema dun dahil inspired ako sa Ivan baby ko.. Nakakainis lang kasi last exam ko nag-iisa na, English pa! Nakakaloka pa kasi pang-gabi sya..

*PAKKK*

Hinampas na naman ako ni Nanay.. Tengene ang sakit.. Nasabi ko na bang dating Professional Boxer ang nanay ko?? Kaya hindi kami makapalag ni Tatay sakanya ehh..

"kelan ka pa natutong sumagot Annie Mae? Bumangon kana.. Nasa baba ang mga kaibigan mo.. Papasok na kami ng tatay mo!"

Napabalikwas ako ng bangon..

Si Coline??

Nagmamadali akong bumaba ng bahay namin ng walang hilamos, walang mumog, walang sepilyo, magulo ang buhok at may bakas pa ng laway na tumuloy nyahahaha.. In short, mukhang balahura..

Sus sanay na naman si Coline sa ganitong itchura ko..

=_________=

naka-poker face kong tiningnan ang walong mukha na nasa harapan ko, prenteng umiinom ng kape at kumakain ng pandesal na walang laman..

"Sa huling pagkaka-alala ko si Coline lang ang kaibigan ko.. Bakit dumami kayo??" naka-poker face na tanong ko

Ang aga nilang mambulabog!! Tapos makikikain pa ng almusal..

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon