Chapter 31a: Terror Prof

2.8K 68 8
                                    

Chapter 31a: Terror Prof

Coline’s POV

(Coline nasa gilid ---------- >)

Si Tyrone ang naghatid samin.. Yep kasabay namin si Mae, nagtitipid daw ng gasolina ang bruha, samantalang ako naman ang nagpapagas nun.. Ang sabihin nya gusto lang nyang mang-istorbo.. Dito pa sa gitna namin (between driver seat at passenger seat) umupo.. Si mokong naman inis na inis, ang hirap daw magbreak.

“I’m Mr. Roy Calvero.. your new teacher in P.E I” pakilala sa amin ng bagong teacher na nasa harap namin, “magpofocus daw yung former teacher nyo sa pagcocoach ng volleyball boys.. So I’m looking forward for our good relationship in this class students..” yung accent nya pang British na slang na parang pilit na ipit.. gets nyo ba? Hihi sa madaling sabi hindi maintindihan =_____=

“yes Sir..” sagot namin in chorus

“Narinig kong karamihan sa inyo ay matatalino at magagaling sabi ni Coach kaya naman nagresearch ako.. Marami din naman pala sa inyo ang BOBO, TAMAD AT MGA WALANG MODO..” nakacrossed arms na sabi ni Sir habang ineemphasize yung mga naka-capslock lol

Agad akong napalingon sa katabi kong si Mae.. Dun ko lang napansin na pati yung iba samin nakatingin din sakanya..

“bullseye naks!” tipid na sabi ni Mae habang nakahalumbaba sa desk, “researcher psh! tae nya..” nakarefer yun kay Sir na kasalukuyan nyang tinitignan ng masama

“hmm may mga interesting students pala tayo dito..” napabalik ako ng tingin kay Sir at may hawak na syang papel, “our subject is Team Sports,, so expect many team play practicum in this class.”

“hmm who’s Ms. Orpilla?”

“me Sir!” nakataas ang kamay na sabi ng kaklase kong babae, isa sa mga maaarte samin

“what is basketball?”

“what Sir?”

“what is basketball?”

WTH? Ano yun may recitation agad?

Hindi naman nakasagot yung classmate namin.. Nakalimutan yata eh nung prelim pa yun ih..

“tss. yan na nga ba ang sinasabi ko eh.. Puro kasi porma!! Aral aral muna hija okay?” mataray na sabi ni Sir Calvero

Nagtawanan yung iba, pero hindi ako natuwa.. Masyado nyang pinapahiya yung classmate namin..

“anong nakakatawa dun?” inis na bulong ko

“korni yang mga kaklase natin pabayaan mo na” bulong sakin ni Mae

“by the way I love your shoes..” pahabol hirit pa ulit ni Sir

Pasensya hindi ko kasi matandaan ang mga pangalan ng mga classmate ko hehe.. Dahil nga irreg. ako sa iba iba akong sections napupunta kaya ang dami nila..

“you!” turo nya dun sa babaeng nasa unahan, “stand up Miss”

“yes Sir?”

“what is basketball?” tanong ulit ni Sir

“ahhh… basketball… is sport where you shoot the ball on the basket?” halata sa boses ng kaklase ko ang hindi pagkakasigurado

“good answer, Miss?”

“Canasa Sir”

“okay Ms. Canasa.. Name one of the best basketball player that you know..”

Sandaling nag-isip ang kaklase ko..

“ahhh!! si Tetsuya Kuroko po!! hehehe” mabilis na sagot ng kaklase naming si Ms. Canasa..

=_____________=

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon