Chapter 31d: Peer Pressure

2.5K 61 2
                                    

Chapter 31d: Peer Pressure

Coline’s POV

“whooh! Save by the bell!” masayang sabi ni Mae

“yes Annie did you saw his face? It was horrible!” eto namang si Angela mang-mana sa master nyang luka-luka

“tama ka jan Angela hahaha! Umuusok yung ilong nya literally.. hahaha” sabi naman ni Mae

“sya tama na yan Annie Mae.. lalo mo lang yung ginagalit eh..” saway ko

“eh nakakagalit din naman yung Kaldero na yun eh! Kung makapamula wagas eh mas madami namang kapintasan yung mukha nya kesa sa iba.. Kung gwapo sya baka natuwa pa ako sakanya..”

Umupo naman ako sa harap nya.. Nandito kami ngayon sa canteen, 11 palang pero mag-e-early lunch na kami.

“pero hindi pa rin sapat na dahilan yun para managot ka ng teacher Annie Mae”

“I get your point bestfriend..” sabi ni Mae na biglang nagseryoso, “alam mo Coline yung mga ganung klase ng teacher sagutin ko man o hindi, squatter na ang tingin sa akin.. tss. Isang squatter na hindi nila maintindihan kung bakit sinusunod ng mga nagyayamang estudyante dito.. Nakabangga ko na yung kaldero na yung dati ehh.. Kung ano-anong sinabi nung nandun kami sa gym.. kesyo squatter daw ako, wala akong karapatang magtaekwondo.. blahblahblah.. tss. pigil na pigil ako nung sipain sya”

“sorry Mae hindi ko alam..”

“okay lang, kelan lang nangyari, nakalimutan ko lang ikwento heheh”

“oh eh anong ginawa mo?”

“sinapak ko bwahahaha.. Knock-out ang lolo mo”

Tawa sila ng tawa ni Angela at nag-apir pa..

Kahit hindi ako sang-ayon ngumiti nalang ako.. Syempre ayoko na nagpapaapi ang bestfriend ko..

“hey what’s so funny girls?” biglang dumating si Zach at si Tyrone, umorder kasi si Zach ng food nila ni Angela, tinulungan lang magbitbit ng tray ni Tyrone.. Nagpapaturn-on kasi sa fiancé nya ang mokong

Sina Ellaine, Ivan at Charlie hindi na muna sumabay samin, may gagawin pa daw sila sa mga org. nila..

Inilabas na namin ni Mae ang mga lunch box namin lul parang elementary lang? Inilabas na namin ang mga baunan namin..

“Tyrone oh..” iniabot ko sakanya yung baunan na para sakanya

Tinext ko sya kaninang umaga na ipinagbaon ko na sya ng lunch

Hey! Hindi ko idea toh ahh, kay Tita.. patikimin naman daw ang mahal na prinsipe ng lutong bahay.. Yung mga lunch kasi dito common naka-styro na, meron namang yung mga tinatakal pa.. Maaarte lang talaga ang mga ito at yung mga nakastyro ang binibili para daw malinis..Mga engot! Iisa lang naman ang nagluluto nung mga itinitinda dito.. eh di pare-pareho lang yun..

“pinagbaon mo talaga ako?” tanong nya

“oo nga tsk! ang kulit ni Tita..”

“thanks.” Excited nyang binuksan yung baunan

“ano toh?”

“longganisa at itlog..” yan yung ulam namin kaninang umaga, “kung hindi mo gusto dahil prito babaw------“ hihilahin ko na sana pabalik sakin yung baunan pero mahina nyang pinalo ang kamay ko

“akin natoh eh wala ng bawian..” nakapout na sabi nya

^.^ ang cute nya kaya kinurot ko ang pisngi nya

“wahahaha ang cute mo!”

“ouch!”

*click*

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now