Chapter 30a: Accounting Sucks

2.6K 61 2
                                    

Chapter 30a: Accounting Sucks

Coline’s POV

The next day..

“Mae bangon na! May practice kayo ng 7!” kanina pa akong gising ng gising sakanya

“hmmm. 5 minutes..”

“ayan kasi sabing wag magpupuyat..” sermon ko sakanya

Nagpuyat kasi sya kagabi sa pagbabasa, hindi ng textbooks kundi ng ebooks!! Nilowbat pa ang cellphone ko, pangit daw kasi magbasa sa cp nya..

Humiga nalang ulit ako sa tabi nya.. Gigising din naman sya kapag nagugutom na,,

Zzzzzz. Zzzzzz. Zzzzz.

“WAAAAA!!”

Nagising ako sa malakas na sigaw then sunod-sunod na mga kalabog..

Bumangon ako ng wala sya sa kwarto baka nasa cr na.. Pagtingin ko sa wall clock 9:20 a.m na.. Samantalang 7 ang practice nila.. Kawawa naman ang mga estudyante nya..

Bumaba ako at pumunta sa cr..

“Mae maghahain na ko ng almusal!”

“sige!” sigaw nya na halatang nagmamadali

Pumunta ako sa may lamesa.. Nakatakip ang longganisa at talong na ulam.. Nagsandok ako ng kanin at naglagay ng plato, walang kutsara lagi kasi kaming nakakamay, tipid sa hugasan.. Then nagtimpla ako ng gatas. Ipinagtimpla ko na din si Mae ng kape nya..

Nakita ko naman syang lumabas ng cr ng nakauniform na..

“kain ka na..”

Umupo sya sa tabi ko at nagsimula ng kumain..

“tanghali na! hindi mo ginising!”

Hindi ko daw sya ginising! =_____=

“hoy babae ginising kita.. Ikaw lang ang ayaw gumising jan..”

“waa!! Late na ko! Lagot na naman ako kay Coach”

“sus hindi na bago yun sakanila kaya wag ka ng mag-alala..”

“hmp.” Inismiran nya lang ako at nagpatuloy sa pagkain

“akala ko ba nagmamadali ka?” tanong ko nung makitang nakatatlong batch na sya ng lagay ng kanin sa plato

“nagmamadali nga hindi lang halata heheh..”

Pagkatapos kumain ay dumiretso sya sa lababo tsaka nagtoothbrush then takbo ulit papunta ng kwarto..

Nagligpit na ako ng pinagkainan namin tsaka naghugas ng plato..

“hey Coline! Alis na ko ha!” sabi ni Mae, “wag kang masyadong magpapagod! Yung gamut mo inumin mo!”

“opo! Ingat ka!” pahabol na sabi ko

Nagmamadali na syang umalis.. Narinig ko nalang ang pag-alis ng kotse nya..

Haay alone na naman ako.. Mamaya pa kasing hapon ang klase ko..

Naglinis lang ako ng bahay.. 11 na ako natapos.. Kapagod!

Umakyat na muna ako sa kwarto ni Mae.. May quiz kami mamaya sa Accounting I tsk!

Mag wa-1 na nung naligo ako at kumain ng tanghalian .. Inayos ko na ang gamit ko sa school at tsaka isinabit ang backpack ko.. Pareho kami ng backpack ni Mae, yellow kanya, pink naman ang sakin.. Sweet diba? Sa isang hindi sikat na RTW namin nabili.

Chineck ko muna ang bahay bago ako lumabas..

O_____O

Anong ginagawa ng isang kulay red na kotse sa tapat ng bahay nina Mae?

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now