Chapter 42c:

1.9K 56 7
                                    

Chapter 42c:

 

Coline’s POV

Naghiwalay na kami ni Mae after ng Accounting.. Naglalakad na ko papunta sa classroom nung marinig ko ang bulungan ng mga nadadaanan ko..

“OMG! Ayan na sya!” bulungan ng mga babae

“sino?”

“Si Coline..”

“ahh oo narinig nyo na ba ang balita?”  rinig kong bulong ng isang babae

“ano yun?”

“kapatid sya sa ama ni Elizabeth..”

“what?”

“oo.. kay Elizabeth mismo nanggaling.. Anak daw si Coline ng mistress ng dad nya..”

“that explains kung bakit magkaiba sila ng surnames..”

“oo at ang rumors nilandi ng mother ni Coline ang Dad nya..”

Gusto kong sumigaw na hindi malandi ang nanay ko pero hindi ko magawa.. Parang naubos lahat ng boses ko at gusto ko nalang maiyak..

“I’m sure nilandi nya din si Prince Tyrone..”

“really? Like mother like daughter pala..”

“disgusting..”

Napayuko nalang ako sa mga sinasabi nila.. So pinagkalat pala ni Elizabeth na anak ako sa labas?

Biglang may pumatid sakin at nadapa ako.. mga lalaki.

“Yan ang nararapat sayo..” sigaw nung isa at nagtatawanan sila na umalis sa harap ko

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.. May sugat ang tuhod ko.. Syet!

Pa-ika-ika akong naglakad papunta sa next class ko.

“what happened? Who did this to you??” tanong ni Tyrone sakin, hinihintay nya ko sa tapat ng room, kaklase ko sya sa subject na toh..

“ahh nadapa lang ako hehehe.. tara na sa loob..”

“so clumsy.. Take care always okay? I’m worried about you..”

“oo na.. dumudugo ang ilong ko sayo.. tara na sa loob..”

Natapos ang klase nung araw na yun.. Pero hindi ko ineexpect na may mas malala pa sa mga susunod na araw..

Nung Wednesday, may naglagay lang naman ng mga kalat sa locker ko..

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now