Chapter 4b: My Masungit Knight in Shining Armor

4.4K 114 4
                                    

Chapter 4b: My Masungit Knight in Shining Armor



Coline's POV

Ayun nga umalis na ko para magcr.

Tumakbo na ako..

Nagmamadali.

Puputok na pantog ko, dami ko nainom na pineapple juice T___T

Pagdating ko sa cr dito sa mall daig pa ang may pila ng NFA.

After 3 years! este 30 minutes natapos din magcr!!

Bumalik na ako sa Boutique pero wala na dun si Mae.

"uhm ate, alam nyo po ba kung san pumunta yung babae naka yellow na kagayang-kagaya nitong suot ko. Nandito lang kasi sya kanina ih" tanong ko sa isang staff dun

"ah yung kakambal mo?! umalis kanina, parang may hinahabol na lalaki?. Biglang tumakbo palayo"

Talagang napagkamalan kaming kambal ni ate ah! ^___^

Lumabas na ako sa Boutique.

Haist!! Annie Mae Marasigan pasaway ka!!

Paano kita hahanapin eh ang laki nitong mall? Ang dami pang tao dahil weekend >.<

tsk!! Tinignan ko ang cellphone ko baka nagtext sya.

Sh!t lobat!! Kapag minamalas ka nga naman oh.

Ayun naglakad-lakad na lang muna ako dito sa mall. haist! kapagod. Di ko pa din nakikita si Mae tsk!.

Pagtingin ko sa paligid di ko na alam kung nasan banda na ko dito sa mall, ang konti na lang ng tao sa parteng ito.

3rd time ko pa lang nakakapunta sa mall na to kasi medyo malayo sa bahay. Naglakad lakad na lang ulit ako.

"I'm lost!" sabi ko sa sarili ko

"oh miss your lost? Maybe you need our help." Biglang may dalawang lalaking lumapit sakin

"No I'm not. No thanks"

"Oh I think your lying miss. You're alone. We can accompany you" sabi nung isa pa.

Geez. I'm scared T___T

Mukha naman silang mga may kaya sa buhay tignan nyo may paenglish English pa pero mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan at mga mukha pang manyak >.<

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now