Chapter 27b: Party Part 2

2.4K 59 0
                                    

Chapter 27b: Party Part 2

Coline's POV

Nakarating din kami sa hall ng mapayapa.

May red carpet kang madadaanan at may mga magpipicture dun, may kasamahan ni Angela sa photography club.

"smile.." sabi nung isang photographer

Ngumiti naman ako ng todo para ipakita ang aking killer smile pero itong kasama ko nakapoker face.

"We'll give you the copies after.."

"thank you" pagpapasalamat ko

"let's go.. They're waiting for us" singit naman nitong isa

"ah sige una na kami ha?" paalam ko

"okay. By the way, you two really look good together.."

Nginitian ko nalang sya bago kami maglakad palayo.

---

Ang daming bisita at ang gaganda nila lahat.. Talagang mga mukhang mayayaman.

Hinanap namin sina Mae. Sa laki nito mukhang aabutin kami ng hanggang bukas sa paghahanap.

"is it you? the young dela Vega?"

Eto na naman po.. May humarang na naman sa aming nilalang..

Eto ang nakakawindang, halos lahat ng madaanan namin kilala si Tyrone, ganito ba kasikat ang pamilya dela Vega?

"yes I am Sir" pormal na sabi nya

Mukhang sanay na sanay syang makiharap sa tao.. Sa mga nasa business world to be exact..

"I am Mr. Sandoval, the current Vice President of KJR Electronics"

"nice to meet you Mr. Sandoval.."

Nagshakehands pa sila at sandaling nakipagkwentuhan.

"who is this beautiful young lady beside you?"

Psh! Bola!

Eto pa ang MAS nakakawindang! Lahat sila pinapansin din ako. Akala yata bussiness chuva din ako.

"she's my date, Coline Saavedra.."

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba, pero para kasing ang proud ng boses ni Tyrone tuwing ipinapakilala nya ako. And I admit, nagpaflush ako >§§§<

"nice to meet you Sir" nakangiting bati ko

"you two look good together"

Ngumiti nalang ako.

At nagexcuse si Tyrone kung pwede bang mauna na kami.

Ilang beses pang naulit ang mga ganung batian. At mejo nakakangalay na ding ngumiti ha.

"huy Sungit. Ang bobolero ng mga tao dito noh? Kanina pa nila ako sinasabihan ng maganda and 'we look good together' daw.."

“why ayaw mo?” tanong nya

“hindi naman sa ganun.. ano lang kasi…” haist ano bang sasabihin ko??, “hindi naman kasi ako ganun kaganda..” …para maging bagay sa’yo..

Tumigil sya at humarap sakin tsaka pinitik ang noo ko.

"silly!" bigla nyang pinitik ang noo ko, "you really don't have any idea how beautiful you look tonight eh?" tanong nya

"maganda ba talaga ako ngayon?" tanong ko, "gusto kong sa'yo manggaling.."

"nasabi ko na kanina diba?"

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon